Top of the line ang sasakyan ng mga bugok
September 25, 2003 | 12:00am
HAWAK ng mga kuwago ng ORA MISMO, top of the line imported vehicles na gamit ng mga bugok na mga customs personnel diyan sa Subic customhouse.
Anumang oras ngayon ay ibibigay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nasabing pictures sa tanggapan ng Ombudsman porke hiningan ng tulong ng huli ang grupo.
Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil kinapa ng husto ang kanilang mga asset diyan sa Subic Customshouse ang operasyon ng mga bugok.
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, na pati low ranking personnel diyan sa nasabing lugar ay nagmamay-ari ng mga top of the line imported vehicles.
Kaya ba ng isang pangkaraniwan empleado ng bureau ang magkaroon ng isang Terrano, Land Cruiser to Pajero etcetera?
Kahit na basura sa Japan ang nasabing mga sasakyan na ipinasok sa Pinas hindi pa rin bababa ang presyo nito sa P300,000.
Kung paano nila nakuha ito sa mga locator diyan sa Subic ay isang malaking palaisipan kaya nga ang Office of the Ombudsman ang kakalkal sa kanila.
Kung saan man sila kumukuha ng pitsa ito ang pakukuwentuhan natin.
Si Lt. Polipoy, sinasabing isang customs police ang tinaguriang The Bagman, ang siya palang taga-parte ng intelihensiya sa mga bugok na kasamahan niya.
Nagkakamal sila ng sandamakmak na pitsa kapag may mga illegal transaksyon ang mga ito.
Halos lahat ng bugok na official ng Customs mula Subic hanggang MICP at Port of Manila ay inaayos ni Lt. Polipoly.
Ika nga, everybody happy!
Dapat kasing ayusin ang mga amo niya porke mangangamoy ang kanilang mabantot na trabaho.
Kaya naman nagkakahetot-hetot ang gobyerno sa kagaguhang ginagawa ng mga bugok dahil kinukupitan pa ng mga kamote ang buwis na dapat para una.
Malakas ang loob ni Lt. Polipoly dahil super lakas siya sa kanyang bossing na si Kuya Ver, ang kilabot na pekadores ng mga scholastic records sa bureau.
Ang pitsa pinamumudmod ni Lt. Polipoly ay galing kay Ric Water, ang nagtutubig-tubig na utak ng mga sindikato sa Subic Customshouse. Kaya pala bagyo sa Subic customshouse si Ric Water dahil sa mga pinakakalat nitong pitsa sa mga kurap na bugok.
Base sa series ng istorya sa diyaryo ng mga kuwago ng ORA MISMO versus sa mga bugok sa Customs, nabasa pala ito ng Office of the Ombudsman kaya nagkaroon ito ng conclusion na mag-imbestiga.
Ok lang daw kahit mangalkal ang Ombudsman laban sa mga bugok dahil kaya raw nilang tapalan ito ng pitsa? anang kuwagong manunuhol.
Kaya pala ang lalakas ng loob ng mga bugok, sagot ng kuwagong urot.
Hindi natin lulubayan ang isyung ito hanggang magkagisahan sa Ombudsman, sabi ng kuwagong SPO-1 sa Crame.
Marami pang epektos ang itinatago ng mga bugok sa Subic tulad ng mga pinalulusot nilang sigarilyo, cellphones, etcetera!
Malaking pera ang usapan kaya ganoon.
Kapos na sa espasyo ang Chief Kuwago kaya sa susunod na isyu uli.
Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am