^

PSN Opinyon

Ibig magpatayo ng bahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Mayroong bakanteng lupa ang aking mga magulang. Nais naming mag-asawa na patayuan ito ng bahay. Humingi na kami sa kanila ng pahintulot napatayuan ito. Pumayag naman sila. Kaya lang wala kaming sapat na halaga sa pagpapatayo ng bahay. Maaari ba namin itong ipasok sa Pag-IBIG housing loan, tutal miyembro naman kaming mag-asawa? Magkakaroon ba kami ng equity? –Luis Reyes, Cainta, Rizal

Sa ilalim ng Pag-IBIG housing loan, maari kayong makahiram ng halaga sa Pag-IBIG sa pagpapatayo ng inyong bahay. Kung ang lupang papatayuan ay pag-aari ng inyong mga magulang, kailangan lamang nilang gumawa ng Special Power of Attorney sa inyong pabor nagpapahintulot na maaari ninyo itong patayuan ng bahay at gawing collateral ang nasabing lote.

Ang pakakaroon ng equity ay batay sa halaga ng inyong Pag-IBIG housing loan, appraised value ng inyong bahay at halagang inyong isusumiteng bill of materials.

Sa karagdagang impormasyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa Loans Originations Department, 7th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City o tumawag sa 811-4401.

ATRIUM BLDG

CAINTA

HUMINGI

INYONG

LOANS ORIGINATIONS DEPARTMENT

LUIS REYES

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

PAG

SPECIAL POWER OF ATTORNEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with