^

PSN Opinyon

Tatlong actor nakatalik ng probinsiyanang bumagsak sa prostitusyon

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang adik-adik ang tatlong actor na naging customer ng isang probinsiyanang bumagsak sa prostitusyon?

Ayon sa aking bubuwit, 94 days na lang at Pasko na.

Happy 14th anniversary kina Mr. Cesar Lee, Mrs. Baby Lee, Mike, Joana, Celin Lee at mga employees ng Toyota Alabang Inc.
* * *
Alam n’yo bang naging customer pala ng isang daisy siyete anyos na probinsiyana ang tatlong actor?

Ayon sa aking bubuwit, itong tatlong Actor bago makipagtalik ay gumagamit pala ng droga. Ito ay ayon sa salaysay ng probinsiyanang taga-Cagayan na bumagsak sa prostitusyon.

Ang biktima na itago natin sa pangalang Baby Ara ay tinulungan ng DZRH matapos tumakas sa ‘‘casa." Siya ay nai-turn over na sa mga tauhan ni Sec. Dinky Soliman sa DSWD.

Maraming salamat Madam Secretary.
* * *
Ayon kay Baby Ara, si Actor No. 1 ay may pagka-sadista.

Habang sila ay nagtatalik kapag biglang tinopak ay bigla na lamang siyang sinasampal.

Nagkaroon pala ng trauma sa mga pulis si Actor sapagkat nang mahuli ito dahil sa drugs ay tinorture sa kulungan. Kapag nakakakita ng pulis ay bigla itong naha-high blood at nagmumura.

Bago naman sila magtalik ay gumagamit muna ito ng shabu. Pati si Baby Ara ay pinapahitit din ng droga.

Bad influence ang nasabing actor sapagkat siya rin ang naging dahilan kung bakit naging adik-adik din ang live-in partner nitong sikat na actress-singer.

Dahil dito ay nasira ang career ng actress hanggang sa hindi na siya superstar.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, si Actor No. 2 naman ay mahilig naman sa marijuana.

Kapag kumukuha ng prosti ay foursome sila.

Ang gusto pa nito, kapag nakatapos ng isang round ay gusto pang makipag-change partner sa kanyang kaibigan.

Ang actor na ito ay naging kontrobersiyal kamakailan sapagkat nag-iiyak ito nang hiwalayan ng kanyang misis.

Gustong makipagbalikan pero ayaw ng kanyang asawa. Itong si actor ay mayaman at sikat-na-sikat noong bata pa siya.

Dahil masyadong maagang nasubsob sa pag-aartista. Siya ay hindi na masyadong lumaki.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, si Actor No. 3 naman ay shabu naman ang inuupakan.

Siya ay meron pang dala-dalang magandang tooter. Bago naman siya gumamit ng babae ay tumitira muna ng shabu.

Kontrobersiyal din ang actor na ito dahil maraming beses na itong nahuli at nakulong dahil sa shabu.

Siya ay nakalabas ng kulungan at naabsuwelto ang kanyang kaso dahil inayos diumano ng kanyang lover na baklang kongresista.

Siya ay umiinom ng maraming gamot bilang maintenance sa kanyang katawan para hindi mag-dry ang kanyang balat. Umiinom siya ng 12 klase ng gamot sa umaga at 12 gamot din sa gabi.

Ang tatlong actor na nakaniig ng probinsiyanang bumagsak sa prostitusyon ay sina actor J.R., N.M at A.V.

vuukle comment

ACTOR

ACTOR NO

AYON

BABY ARA

CELIN LEE

CENTER

DAHIL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with