Hinging saklolo sa Internet
September 23, 2003 | 12:00am
PAREHONG linggo ko natanggap ang e-mails na ito at yung tungkol kay Maureen Pizarro. Padala lahat ng mambabasa. Tulad ng pagkidnap kay Maureen, baka totoo. Sana malutas din, tulad ng pagligtas kay Maureen.
Ang unay galing kay Carlo. Nawawala raw ang kaibigang voice talent, Minna Bernales. Huli siyang nakita sa bahay ni Carlo nung Sept. 11; umalis nang 9:30 p.m. Huli rin siya nakausap ng boyfriend sa cellphone. Habang nag-uusap sila, bigla siyang sumigaw, "Manong, manong, wag!" Halatang takot ang tinig. Tapos, naputol ang koneksiyon.
Pinapalagay na sakay si Minna noon ng taxi, pero wala siyang napagsabihan ng pangalan at plate number. Suot niya noon ay v-neck shirt na kulay cream at dark-blue na maong pants at jacket. Kung may nakakaalam sa nangyari, itawag kay Carlo sa (0917) 8934467, o Jun Villaroman (0917) 8942881.
Ito namay galing kay Ellen Alarilla, tungkol sa sinapit ng pinsang si Bong. Nasa mataong mall sa EDSA si Bong nang banggain ng lalaki. Di niya ito pinansin. Umiinom siya ng juice nang lapitan ng tatlong mama dalawang naka-puting polo at isang nakasuot-pulis pero walang nameplate. Bag-search daw. Inabot ni Bong ang bag niya. Nabigla siya nang madukot ng pulis ang isang sachet ng puting polbo. Shabu raw. Pano nangyari yan, angal ni Bong na di naman lumalaklak, nagyoyosi o tumotoma. "Huwag kang mag-eskandalo," binalaan siya. Hinamon niya sila ng drug test. Walang silbi yon, sagot nila, dahil baka pusher siya miski hindi user. Nang titigan niya ang tsapa, tinanggal agad ito ng pulis. Dinala siya sa maliit na silid; binantaan ng kung anu-ano. Pasado alas-2 na. Sabi nila, aregluhin na lang ni Bong; kasi P10,000 kung sa presinto pa, bukod sa piyansa. "Wala akong pera," pakiusap ni Bong. Tinanong kung payag siya sa P6,000. Tatawag daw siya sa kabarkada.
Okey, anila, basta sa kabilang mall sila magkita sa loob ng 30 minuto, at wala itong ibang isasama. Tumawid sila sa EDSA. Sa loob ng bookstore, sinabihan si Bong na ipaiwan sa kabarkada ang sobre ng pera sa estante. Dinampot ito ng pulis at minuwestrahan silang sumibat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended