Hindi nila alam na matagal na kong nagtitiis sa mga pananakit na ginagawa ni Henry. Mainitin ang kanyang ulo, lalo na pag nalalasing. Umiinit ang kanyang ulo kahit wala namang talagang dahilan. At pag nagkaganun na, siguradong hindi lilipas ang gabi na hindi nya ko sasaktan. Sinasabi po nyang mabagal daw ako kumilos at wala raw akong kuwentang asawa. Kung anu-ano pang masasakit na salita ang sinasabi nya sa akin pag lasing sya.
Ngunit kinabukasan, sinusuyo niya ako at binibigyan ng bulaklak at regalo. Kumbaga, nililigawan nya ko ulit. At muli, tatanggapin ko naman sya at patatawarin sa pag-asang magbabago. Pero hindi sya nagbabago. Sawang-sawa na ako sa pananakit nya. Pati mga anak namin ay naapektuhan na rin. Gusto ko na syang hiwalayan. Ano ang dapat kong gawin? Hilda Ordoñez, Alabang, Muntinlupa City
Pangungunahan ko na po ang lahat nating mga kababaihan, ang pambubugbog ay hindi po normal sa loob ng tahanan. Hindi ho ito maaring ituring na expression ng pagmamahal kayat wag natin itong tiisin o ipag-walang kibo na lamang.
Maaari mong kasuhan si Henry, depende sa lubha ng tinamo mong sugat dahil sa pananakit nyaito ba ay serious, less serious o slight physical injuries. Kung ang natamo mong sugat ay sapat na upang ikamatay mo, yun nga lamang ay naagapan ng medical attendance kaya hindi ka namatay, maari mo syang kasuhan ng frustrated homicide.
Wag mong tiisin ang ginagawang pambubugbog sa yo ng asawa mo, lasing man sya o hindi. Agad kang pumunta sa pulisya at isuplong ang ginawa sa yong pananakit. Sa bisa ng yong sumbong, sasampahan ng kaukulang kriminal na demanda ang yong asawa. Ikalawa, isangguni mo ang inyong problema sa mga kapamilya. Malaki ang maitutulong ng yong mga matino at level-headed relatives upang sikaping di na saktan ni Henry. Ikatlo, kung wala kang malapitang kapamilya, nandyan naman ang mga NGOs na handang tumulong sa inyo through counseling and temporary shelter kung ayaw pa ring magbago ni Henry.