^

PSN Opinyon

Binubugbog ng asawa

SERGIOSOHAN - SERGIOSOHAN Ni Sergio A.F. Apostol -
Sampung taon na kaming kasal ni Henry. May dalawa kaming anak at kung titingnan ng karamihan, kami’y larawan ng isang masayang pamilya. Masuwerte raw ako dahil si Henry ang napangasawa ko–mayaman at guwapo. Maraming naiinggit sa akin.

Hindi nila alam na matagal na ‘kong nagtitiis sa mga pananakit na ginagawa ni Henry. Mainitin ang kanyang ulo, lalo na pag nalalasing. Umiinit ang kanyang ulo kahit wala namang talagang dahilan. At pag nagkaganun na, siguradong hindi lilipas ang gabi na hindi n’ya ‘ko sasaktan. Sinasabi po n’yang mabagal daw ako kumilos at wala raw akong kuwentang asawa. Kung anu-ano pang masasakit na salita ang sinasabi n’ya sa akin pag lasing s’ya.

Ngunit kinabukasan, sinusuyo niya ako at binibigyan ng bulaklak at regalo. Kumbaga, nililigawan n’ya ‘ko ulit. At muli, tatanggapin ko naman s’ya at patatawarin sa pag-asang magbabago. Pero hindi s’ya nagbabago. Sawang-sawa na ako sa pananakit n’ya. Pati mga anak namin ay naapektuhan na rin. Gusto ko na s’yang hiwalayan. Ano ang dapat kong gawin? –Hilda Ordoñez, Alabang, Muntinlupa City


Pangungunahan ko na po ang lahat nating mga kababaihan, ang pambubugbog ay hindi po normal sa loob ng tahanan. Hindi ho ito maaring ituring na expression ng pagmamahal kaya’t ‘wag natin itong tiisin o ipag-walang kibo na lamang.

Maaari mong kasuhan si Henry, depende sa lubha ng tinamo mong sugat dahil sa pananakit n’ya–ito ba ay serious, less serious o slight physical injuries. Kung ang natamo mong sugat ay sapat na upang ikamatay mo, ‘yun nga lamang ay naagapan ng medical attendance kaya hindi ka namatay, maari mo s’yang kasuhan ng frustrated homicide.

‘Wag mong tiisin ang ginagawang pambubugbog sa ‘yo ng asawa mo, lasing man s’ya o hindi. Agad kang pumunta sa pulisya at isuplong ang ginawa sa ‘yong pananakit. Sa bisa ng ‘yong sumbong, sasampahan ng kaukulang kriminal na demanda ang ‘yong asawa. Ikalawa, isangguni mo ang inyong problema sa mga kapamilya. Malaki ang maitutulong ng ‘yong mga matino at level-headed relatives upang sikaping ‘di na saktan ni Henry. Ikatlo, kung wala kang malapitang kapamilya, nandyan naman ang mga NGOs na handang tumulong sa inyo through counseling and temporary shelter kung ayaw pa ring magbago ni Henry.

vuukle comment

ALABANG

ANO

HENRY

HILDA ORDO

IKALAWA

IKATLO

KUMBAGA

MAAARI

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with