May pag-asa pa ba ? Sino siya ?
September 20, 2003 | 12:00am
MAY pag-asa pa ba ang ating bayan? Ayon sa survey ng Pulse Asia, isa sa apat na Pilipino ang gusto nang lumayas sa Pilipinas samantalang ayon sa Roper na nag-survey sa mga negosyante ay wala na silang nakikitang pag-asa na giginhawa ang takbo ng buhay sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Sabi naman ng Transparency International, isang pandaigdigang koalisyon laban sa corruption, ay pangatlo na tayo sa Asia na pinaka-corrupt at pang-11 sa buong mundo.
Inamin naman ni Civil Service Commission Chair Karina David na ang nawala na dahil sa korupsyon ay umabot na sa P 2.6 billion pesos.
Ang mga matagumpay na raid at ambush ng NPA ay dumarami rin na nagreresulta sa pagkamatay ng ating mga batang kawal samantalang ang mga kriminal ay lalong lumalakas ang loob at pati night club na istambayan ng mga heneral ng kapulisan, congressmen at pati ilang miyembro ng gabinete ay pinasok at hinoldap.
Ang mga tinatawag namang ordinaryong krimen kagaya ng snatching ng cell phones, pickpocket, akyat bahay at iba pang krimen na sa dami ay di na nalalathala sa pahayagan ay patuloy ang pagdami.
Ang bilang naman ng mga taong walang trabaho ay pataas din nang pataas at di pa kasama ang mga under employed.
Yun bang mga college graduate na napilitang tumanggap ng trabahong mababa sa kanilang pinag-aralan gaya ng mga titser na napilitang pumasok bilang katulong sa Hong Kong, Singapore at Middle East.
Pati GRO, Klasmeyts, pick-up girls, sauna attendants at iba pang trabahong para sa mga napilitang batang kababaihan natin ay palaki rin nang palaki. Di dahil sa kagustuhan nila kung hindi walang alternatibong mapasukan.
Ang droga naman ay patuloy na dumarami dahil sa ayaw ipatupad ni Madam Senyora Donya Gloria ang death sentence sa mga pusher. Ang dahilan ng kanyang pag-ayaw, dahil ayaw ng simbahan ang kareretiro lang na KARDINAL SIN. Sayang ang ngipin ng batas kung hindi gagamitin.
Korupsyon mula itaas hanggang ibaba, pagtatakip sa katiwalian, tuloy na pagtaas ng krimen at paghihirap ng buhay yan ang ngayon natin dinaranas at dagdag pang tsismis na coup na lalong pinalalaki sa pakikipag-meeting sa Malacañang ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga Heneral, aktibo man o retirado na.
Pustahan pa kabi-kabila kung tatagal ba ang Madam at aabot ba sa eleksyon? Tapos mga hangal pa na opisyal, pagbunyag raw ng JOSE PIDAL account ang nakakasira sa ekonomiya at dagdagan pa ni NEDA Secretary Romulo Neri na mahirap daw umunlad kasi hindi raw nag-iimpok ang Pinoy.
Nahihibang na ba siya, ano ang magiging savings, ni hindi nga kaya pagkasyahin ang maliit na suweldo. Hindi bale kung may JOSE PIDAL account na milyon dollars sa Morgan Stanley o Coots Bank sa Hong Kong o kahit may sobrang pang nightclub o karaoke bar man lang.
Yan ho ang tunay na kalagayan ng ating bayan. Malapit na tayo sa dulo, malapit nang mahulog kaya may tinanong akong retiradong opisyal na hindi nagpayaman kung ano ang ating gagawin. Sabi niya, kailangan ang susunod na mamumuno na pipiliin natin ay yung maglilinis o putting the house in order, ika nga.
Yung magiging masinop, yung kailangan di lamang natin minamahal kung hindi kinatatakutan, yung lider na uubos sa mga kriminal, papatayin ang drug lord at pati corrupt sa gobyerno ikukulong. Yung walang sasantuhin, kahit pulis at military patitinuin at higit sa lahat, may lakas at tibay ng dibdib na lumaban ng sabayan sa kawalanghiyaan. Yan ang kailangan natin. Text o e mail nyo sa akin kung sino sa palagay nyo ang may ganoong katangian. Isipin nyo bayan hindi kung kanino kayo makikinabang. Pagbigay nyo ng pangalan sabihin nyo rin kung bakit.
Glorya at mike parehas lng nnmn kayong dalawa! C glorya may nanni at cc mike may Vicky. 09172457955; Lahat nng ngttx kay mr. kua puro BOBO pti c kua. Limitado lng ang kaalaman dhil mka erap cia. Mag-aral k uli mr kua para magkaisip ka. 09205072527;
Mke arroyo ma stroke ka sana sa katarantaduhan mo. D na tanga ang pilipino. Karma na yan. 09176639958; GMA dami ofw galit sa u. wla k nagawa sa amin. Kakahiya ka. 85294326586; Wala kaming pakialam kung si first gentleman o si iggy ang may-ari ng milyon-milyon na salapi. Ang mahalaga ay yung pera nila ay itulong sa mga batang nangangailangan ng tulong medical. Ang taong bayan ay may mata at sariling isipan kung ikaw tapat sa yung tungkulin. 96658461751;
Bkit ung mga gabinete at pulis bnawalan magnitelyf, bkit c mike arroyo hindi bnawala? Gma katabi mo b kgabi c mister, buti si erap umaamin c mike hindi, aminin. 09183304199; PGMA pagtuonan mo nman ung tunay na problema sa ating bansa. Hadlangan mo ang patakaran ng wto. Palibhasa ikaw ang author didma ka lang. 09162828550;
Glrya mula ng maging pangulo ka lalong nagkagulo kya wag kna uli lmaban cgurado tlo ka. 09272595884; Mga candor bhag pla ang buntos nyo kay jose pidal. Bkt di nu papirmahin sa hrap nu c iggy kung tlagang cya c jose pidal. 09204294919;
Gloria ikaw ang nang agaw. 09195283787; Iggy arroyo hltang cnungaling k kc ayaw mong pbuksan ung pidal account pra mlinis ang nme ng bro mo. Gma prusa yan ng langit dhil s gnawa mo kay ERAP. 09164019974.
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kayay mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.
Sabi naman ng Transparency International, isang pandaigdigang koalisyon laban sa corruption, ay pangatlo na tayo sa Asia na pinaka-corrupt at pang-11 sa buong mundo.
Inamin naman ni Civil Service Commission Chair Karina David na ang nawala na dahil sa korupsyon ay umabot na sa P 2.6 billion pesos.
Ang mga matagumpay na raid at ambush ng NPA ay dumarami rin na nagreresulta sa pagkamatay ng ating mga batang kawal samantalang ang mga kriminal ay lalong lumalakas ang loob at pati night club na istambayan ng mga heneral ng kapulisan, congressmen at pati ilang miyembro ng gabinete ay pinasok at hinoldap.
Ang mga tinatawag namang ordinaryong krimen kagaya ng snatching ng cell phones, pickpocket, akyat bahay at iba pang krimen na sa dami ay di na nalalathala sa pahayagan ay patuloy ang pagdami.
Ang bilang naman ng mga taong walang trabaho ay pataas din nang pataas at di pa kasama ang mga under employed.
Yun bang mga college graduate na napilitang tumanggap ng trabahong mababa sa kanilang pinag-aralan gaya ng mga titser na napilitang pumasok bilang katulong sa Hong Kong, Singapore at Middle East.
Pati GRO, Klasmeyts, pick-up girls, sauna attendants at iba pang trabahong para sa mga napilitang batang kababaihan natin ay palaki rin nang palaki. Di dahil sa kagustuhan nila kung hindi walang alternatibong mapasukan.
Ang droga naman ay patuloy na dumarami dahil sa ayaw ipatupad ni Madam Senyora Donya Gloria ang death sentence sa mga pusher. Ang dahilan ng kanyang pag-ayaw, dahil ayaw ng simbahan ang kareretiro lang na KARDINAL SIN. Sayang ang ngipin ng batas kung hindi gagamitin.
Korupsyon mula itaas hanggang ibaba, pagtatakip sa katiwalian, tuloy na pagtaas ng krimen at paghihirap ng buhay yan ang ngayon natin dinaranas at dagdag pang tsismis na coup na lalong pinalalaki sa pakikipag-meeting sa Malacañang ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga Heneral, aktibo man o retirado na.
Pustahan pa kabi-kabila kung tatagal ba ang Madam at aabot ba sa eleksyon? Tapos mga hangal pa na opisyal, pagbunyag raw ng JOSE PIDAL account ang nakakasira sa ekonomiya at dagdagan pa ni NEDA Secretary Romulo Neri na mahirap daw umunlad kasi hindi raw nag-iimpok ang Pinoy.
Nahihibang na ba siya, ano ang magiging savings, ni hindi nga kaya pagkasyahin ang maliit na suweldo. Hindi bale kung may JOSE PIDAL account na milyon dollars sa Morgan Stanley o Coots Bank sa Hong Kong o kahit may sobrang pang nightclub o karaoke bar man lang.
Yan ho ang tunay na kalagayan ng ating bayan. Malapit na tayo sa dulo, malapit nang mahulog kaya may tinanong akong retiradong opisyal na hindi nagpayaman kung ano ang ating gagawin. Sabi niya, kailangan ang susunod na mamumuno na pipiliin natin ay yung maglilinis o putting the house in order, ika nga.
Yung magiging masinop, yung kailangan di lamang natin minamahal kung hindi kinatatakutan, yung lider na uubos sa mga kriminal, papatayin ang drug lord at pati corrupt sa gobyerno ikukulong. Yung walang sasantuhin, kahit pulis at military patitinuin at higit sa lahat, may lakas at tibay ng dibdib na lumaban ng sabayan sa kawalanghiyaan. Yan ang kailangan natin. Text o e mail nyo sa akin kung sino sa palagay nyo ang may ganoong katangian. Isipin nyo bayan hindi kung kanino kayo makikinabang. Pagbigay nyo ng pangalan sabihin nyo rin kung bakit.
Mke arroyo ma stroke ka sana sa katarantaduhan mo. D na tanga ang pilipino. Karma na yan. 09176639958; GMA dami ofw galit sa u. wla k nagawa sa amin. Kakahiya ka. 85294326586; Wala kaming pakialam kung si first gentleman o si iggy ang may-ari ng milyon-milyon na salapi. Ang mahalaga ay yung pera nila ay itulong sa mga batang nangangailangan ng tulong medical. Ang taong bayan ay may mata at sariling isipan kung ikaw tapat sa yung tungkulin. 96658461751;
Bkit ung mga gabinete at pulis bnawalan magnitelyf, bkit c mike arroyo hindi bnawala? Gma katabi mo b kgabi c mister, buti si erap umaamin c mike hindi, aminin. 09183304199; PGMA pagtuonan mo nman ung tunay na problema sa ating bansa. Hadlangan mo ang patakaran ng wto. Palibhasa ikaw ang author didma ka lang. 09162828550;
Glrya mula ng maging pangulo ka lalong nagkagulo kya wag kna uli lmaban cgurado tlo ka. 09272595884; Mga candor bhag pla ang buntos nyo kay jose pidal. Bkt di nu papirmahin sa hrap nu c iggy kung tlagang cya c jose pidal. 09204294919;
Gloria ikaw ang nang agaw. 09195283787; Iggy arroyo hltang cnungaling k kc ayaw mong pbuksan ung pidal account pra mlinis ang nme ng bro mo. Gma prusa yan ng langit dhil s gnawa mo kay ERAP. 09164019974.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest