Maraming gamit ang lumang medyas
September 19, 2003 | 12:00am
MALIKHAIN ang mga Pilipino. Very creative, innovative at mahusay mag-improvise na para bang walang imposibleng gawin ang malikhaing kaisipan. Patunay dito ang simpleng halimbawa na isinalaysay ni Edith Tronqued Burgos sa radio program na "Mula sa Bukid" kung saan ay co-host siya ng asawang si Joe Burgos, bantog na magsasakang peryodista. Animoy parable ang matalinghagang paglalahad ng lady broadcaster na mula sa Tabaco, Albay.
Binigay niya ang mga maaaring gamit sa isang lumang medyas ng sapatos. Kapag luma na o nawala ang kaparis na medyas ang natirang medyas ay hindi dapat na itapon dahil puwede pa itong pakinabangan. Sa mga cellphone users, puwede nilang gamiting lalagyan ng cellphone ang lumang medyas ni baby. Puwede rin itong lagyan ng lapis, ballpen, rosaryo, prayer book, libro at mga susi. Konting creativity lang ang medyas ay puwedeng maging laruan. Mag-drawing ng anumang bagay sa medyas gaya ng manika o paboritong alagang hayop at puwede ring ang medyas ay gawing puppet.
Puwede rin itong lagyan ng pako at magsilbing tool box. Magagamit ding gwantes ang medyas na proteksyon sa kamay at braso lalo na kapag nagluluto, nagtatanim at iba pang aktibidades. Panali rin ito ng buhok, mga kutsarat tinidor at lagyan din ng mga plastik at pambalot. Labhan muna ang medyas at siguraduhing malinis bago gamitin sa ibat ibang bagay.
Sa "buhay-bukid buhay-bahay" segment ni Edith ay nagbibigay din siya ng food recipe at kuntil-butil na kaisipan para sa mga ginang bukod pa sa mga komentaryong pagsasaka ni Joe Burgos. Ang "Mula sa Bukid" ay sumasahimpapawid tuwing Sabado, 4:30 hanggang 6:30 ng umaga sa Radio Veritas.<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest