^

PSN Opinyon

Civil war napipinto

SAPOL - Jarius Bondoc -
KINIKILABUTAN si Vice President Tito Guingona sa takbo ng pulitika. Kung hindi raw maipaliwanag nang mabuti nina Presidente Gloria at First Gentleman Mike Arroyo ang Jose Pidal deposits, maaaring magka-civil war sa loob ng dalawang buwan. "Fluid" ang sitwasyon, aniya, at malala pa sa July 27 kudeta sa Oakwood Hotel ang kauuwian.

’Yan din ang sabi ni Archbishop Capalla, papasok na presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Dahil sa sobrang pulitika at kabulukan sa gobyerno, nalalapit ang "revolutionary situation." Galit at demoralisado na ang mamamayan, aniya, at nais ng pagbabago.

’Yan din ang matagal nang napansin ng milyon-milyong Pilipino na lumipat na sa Amerika o Australia. Di lang basta laganap na pulitika at kabulukan, kundi kawalan ng mapayapang solusyon ang nakinikinita nila. Kaya lumayo na lang sa gulo.

Talaga ngang nakakasuklam na ang gobyerno. Kahit anong partido ang umupo, pagpapayaman lang ang inaatupag. May nagkukudeta para raw ayusin ang sistema, pero nabibistong ganid din pala sa pera’t poder. May nagrerebolusyon para baguhin ang sistema, pero nabibisto ring nagpapasarap lang sa ibang bansa.

Mga pulitiko rin ang sumisira sa sistema. Ang Oposisyon, walang tigil ang pagbanat sa Administrasyon. Ang Kamara de Representante at Senado, panay ang bangayan. Tapos, pina-i-impeach pa ng dating Presidente ang Korte Suprema.

Sila rin ang sumisira ng tiwala ng bansa sa iba pang institusyon: Media, simbahan, pulis, militar, batas, kabutihang-asal, pamilya. At nahahawa sa asal nila ang mamamayan.

Samantala, sa galit sa sitwasyon, may nagsasabing magbabago lang ang asal-Pilipino kung makaduguan. Kesyo kailangan daw magtuos ang mga magkalabang partido at paksiyon –matira ang matibay. Kesyo dapat daw ipapatay lahat ng edad-18 o mas matanda –para lumikha ng isang henerasyon na di pa nababahiran ng corruption. Desperado na talaga ang Pilipino sa pag-asam ng pagbabago. Tama si Guingona.<

vuukle comment

ANG KAMARA

ANG OPOSISYON

ARCHBISHOP CAPALLA

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JOSE PIDAL

KESYO

KORTE SUPREMA

OAKWOOD HOTEL

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with