Wala kaming pinili at hindi kami namimili kung sino ang mahuhulog sa "BITAG" ng aming hidden camera.
Wala kaming pakialam sa huwes, alagad ng batas o pribadong indibidwal, bastat inireklamo ng kanyang biktima dahil sa hindi kanais-nais na gawain, hindi siya makakaligtas!
Bibigyan namin ng diin ang salitang "GAWAIN" hindi sa pagkatao at mga lehitimong reklamo ng mga NABIKTIMA!
Sa tanggapan ni Philippine National Police Chief, Director General Hermogenes Ebdane Jr., iprinisinta namin sa kanya ang nilalaman ng aming surveillance camera.
Pagkatapos mismo ng kanyang press conference sa tanggapan ng Police Anti Crime Emergency Response (PACER), napanood ni General Ebdane ang naturang surveillance video na kung saan isang police major ng WPD ang nahulog sa aming "BITAG".
Kaagad namang ipinatawag ni General Ebdane ang Director for Investigation and Detective Management si P/Dir. Rolando Garcia upang suriin ng maigi ang nilalaman ng video at pag-aaralan kung anong hakbang ang kanilang magagawa.
Mabilis na inutusan ni General Ebdane si P/Dir. Garcia para sa agarang imbestigasyon laban sa "panghuhuthot" sa inirereklamong police major ng WPD.
Dito narinig ng "BITAG" ang mga sinabi ni General Ebdane na hindi maganda laban din sa mismong piskal ng Manila Prosecutors Office hinggil sa nakita niya sa aming surveillance video.
Gusto naming linawin, sinlinaw ng sikat ng araw, sa "BITAG" hindi kami gumagamit ng dramatization o re-enactment sa mga segment na aming ipinakikita.
REAL TV ang "BITAG" at ang mga nilalaman ng aming surveillance video ay hindi namin gawa-gawa.
Pinaninindigan namin ang aming mga "gawain" dahil real people, real problems and real cops (good and bad) in action ang inyong mapapanood! Ito ang pagkakaiba ng "BITAG".
COMPLAINTS; type BITAG<space>COMPLAINTS <space>(message)
FEEDBACK; type BITAG<space>FB><space>(message)
I-text at send sa 2333 (Globe / TouchMobile) o 334 (Smart / TalknText).
O tumawag sa telepono 932-5310 / 932-8919. At makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.