^

PSN Opinyon

F2 at Barbie Xu, ang magpapalutang sana kay Al Ghozi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SIGURO kung sa Basilan idinaan ang F2 at si Barbie Xu maraming Abu Sayyaf ang mahuhuli ng militar at tiyak lulutang pa si Al Ghozi rito dahil fans din ito ng mga terorista.

Nanonood din pala ng Meteor Garden ang mga terorista dahil kapag pinalalabas ito sa TV ay ceasefire muna sila.

Tiyak magkukulitan pa ang mga gagong terorista dahil mag-uunahan sila sa harapan ng telebisyon para mapanood lang ang kanilang idolo sa Meteor Garden.

Nakuha ha? Baka pati si Abu Sabaya ay makinood din dito. Iyon lang!

Mas maganda kasi kung sa pugad ng Abu Sayyaf na lamang nila ibinaba ang mga tsekwang superstar para hindi ito gaanong pinagkaguluhan sa Maynila. ’Ika nga, mas kaunti ang makakakita sa kanila.

Tutal gustong itago ito sa NAIA nang dumating ang mga tsekwang superstar kaya nga pati mga in-house reporters sa airport ay ginago ng grupo ni Angel Atutubi este mali Atutubo pala.

Ito ay suggestion lang kung muling babalik ang mga taga-Meteor Garden sa Pinas.

Malaking tulong ang magagawa nila sa paglutang sana ni Al Ghozi kasi nanood din pala ito ng Meteor Garden sa Indonesia noon. Nakakaawa kasi ang mga fans na napeke at mga reporters na tinarantado sa pagdating ng Meteor Garden noong Biyernes sa airport.

Sa emergency stairways kasi idinaan ang F4-2+1 pababa sa tarmac na hindi naman ginagawa kahit sa senador o congressman. Matindi ang special treatment na ginawa ng pamunuan ng MIAA.

Si dating Senador Ninoy Aquino lang ang ibinaba ng militar sa emergency stairways nang dumating ito sa bansa noon.

Nang dumating sina Michael Jackson, Stevie Wonder, Luciano Pavarotti at iba pang mas sikat na entertainers ay hindi ginanito.

Ano bang meron, bakit matindi ang ibinigay na special treatment sa mga tsekwang superstar?

Buti na lamang at walang kinatawan ng US Federal Aviation Authority ang nakakita sa ginawang super VIP treatment sa mga tsekwang superstar kundi siguradong babawiin nito ang ibinigay na mataas na antas ng grado sa seguridad.

Nang umalis ang F4-2+1 noong Linggo ng umaga ay muli na namang umiral ang kalokohan ng security personnel sa airport dahil ang pambatong photographer ng Philippine Star na si Mike Amoroso ay muli na namang ginago. Dahil ang pobre ay nag-aabang para kumuha ng retrato sa pag-alis ng F4-2+1.

Sinabihan pa si Mike na dito ito idadaan at iaakyat daw sa emergency stairways papasok sa eroplano ng China Airlines para hindi magkaroon ng pandemonium sa airport. Nang malaman ng security na ready na si Mike sa kanyang puwesto sa departure area ng paliparan ito idinaan.

Idinaan sila sa initial security check, ang mga bitbit nilang bagahe ay idinaan sa x-ray machine, tumuloy ng check-in counter ng China Airlines hanggang sa pumailalim ng clearing process ng Bureau of Immigration bago pumasok ng Gate 16.

Hindi nila ginawa ang nasabing proseso nang dumating ito noong Biyernes.

Kaya walang nangyari kay pobreng Mike!

Mas maganda siguro kung si Atutubo ang papalit kay Ed Manda bilang General Manager sa airport sa mga ipinakita nitong security arrangement na ipinatupad sa airport noong Biyernes at Linggo dahil kayang-kaya niyang lansihin hindi lang ang mga in-house reporters ng paliparan kundi maging mga miyembro ng PNP-Aviation Security Group na siyang nangangalaga ng airside security.

"Bakit babawalan ang mga NAIA reporters sa kanilang trabaho hindi ba may mga access ID sila ng MIAA?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Iyan nga ang hindi maintindihan ng mga NAIA reporters," sagot ng kuwagong urot.

"Exclusive raw kasi ang coverage?"

"Mga taga-dyaryo ang NAIA reporters at hindi taga-TV?"

"Eh sa ayaw, ano ang magagawa natin?"

"Kaya pala binalya ng mga Industrial Security Guards (airport police) ang ilang NAIA reporters noong Biyernes."

"Kaya pala, kamote."

vuukle comment

ABU SAYYAF

AL GHOZI

BIYERNES

CHINA AIRLINES

KAYA

METEOR GARDEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with