^

PSN Opinyon

Testimonya sa Korte

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
TINI-TEST drive nina Lito at Jaime ang bagong tricycle. Makalipas ang ilang minuto, biglang hinarangan ng ilang kalalakihan ang kanilang daanan. Sinabi ni Jaime sa kanila na "Pare, nakararami na yata kayo ah!" Biglang may sumuntok sa kanyang batok at doon ay nagsimula nang magkagulo. Isa sa kanila ay bumunot ng balisong at sinaksak si Jaime samantalang ang iba ay nagtulung-tulong na bumugbog.

Hindi nakakibo si Lito. Samantala, ang asawa ni Jaime na si Linda kasama ang mga anak ay nasaksihan din ang nangyari. Lumapit agad ang anak nitong si Jun at sinabi ni Jaime sa anak na "Lord, sana mabuhay pa ako." Inutusan nito ang anak na hugutin ang balisong na nakabaon sa kanyang dibdib. Sumunod ang anak at pagkabunot ng balisong ay agad niya itong inihagis sa basurahan.

Wala nang nagawa ang mag-iina ni Jaime kundi ang umiyak habang dinadala ang nanlulupaypay na katawan ni Jaime sa ospital. Ilang sandali ay namatay din ito.

Sa pagdinig ng kaso, naging pangunahing testigo sina Linda, ang mga anak nito at si Jun. Sa kanilang testimonya, itinuro nilang si Armand ang sumaksak kay Jaime samantalang sina Carlos, Rudy at Manny naman ang bumugbog.

Nang mahatulan ng Korte, kinuwestiyun ni Armand ang naging pagkakaiba ng testimonya ni Linda sa Korte at ang affidavit nito sa pulis. Iginiit niya sa Korte, siya ang tinukoy ni Linda na sumaksak kay Jaime taliwas sa affidavit na isinumite nito sa pulis kung saan nakasaad na may ilang kalalakihan ang nagtulung-tulong na nanakit sa kanyang asawa. Kinumpirma ito ng iba pang nakasaksi sa krimen. At dahil taliwas ang mga pahayag ni Linda, magbibigay daw ito ng pagdududa sa pagtukoy sa taong sumaksak kay Jaime. Tama ba si Armand?

MALI.
Ang isang affidavit ay hindi inaasahang maglaman ng lahat na pangyayari. Ang mga paliwanag at pahayag ng saksi ay naiiba ayon sa pagkakaintindi at sa paggamit ng salita ng nakikinig at gumagawa ng isang affidavit. Sa kasong ito, naipaliwanag naman ni Linda sa Korte na ang nagkaroon ng pagkakaiba ang kanyang testimonya sanhi na rin ng kanyang pagkalito at sama ng loob ng mga oras na isinalaysay niya sa pulis. (People vs. Vicente G.R. 142447, December 21, 2001)

vuukle comment

ANAK

ARMAND

BIGLANG

IGINIIT

ILANG

INUTUSAN

JAIME

KORTE

LITO

VICENTE G

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with