Mga paraan para mapangalagaan ang pandinig

Alinsunod sa slogan na ‘‘better living through better hearing’’ ng Hi-Tech Hearing Centre narito ang ilang paraan para maiwasan ang pagkasira at tuluyang pagkawala ng pandinig. Ipinaliwanag ni Dr. Eduardo Go, medical-hearing consultant ng Hi-Tech Hearing Centre at hearing consultant din sa British Columbia, Canada, ang mga sumusunod para maiwasan ang hearing loss. Kapag makadama ng pagkabingi at ito’y tumagal ng 36 oras huwag ng magdalawang isip at agad na sumangguni sa manggagamot. Huwag maglagay ng anumang foreign objects sa ear canal. Ayon kay Dr. Go ang nakagawiang pag-aalis ng earwax o tutule sa paggamit ng cotton buds ay masama.

Ipinapayo ni Dr. Go na gumamit ng malinis na tela (clean cloth) sa pag-aalis ng tutule. Marami rin ang gumagamit ng metal na parang tiyane na pang-alis ng dumi sa tenga at sa sobrang pinsala ang pagtusok ng instrumentong ito sa pagdinig.

Iwasan ang matagal na exposure sa napakaingay na tunog. Sobrang pinsala sa eardrums ang malakas na sound. Dapat na huwag ugaliing makinig ng radyo at stereo na gamit ang headphones. May mga kabataan na nakakatulugan na naka-headphones. Kapag nasa disco at karaoke bars grabe ang pinsala ng sobrang lakas ng tunog.

Ipinahayag ni Dr. Go kung may matinding sipon o ear infection ay huwag sumakay sa eroplano. Sa dagling pagbabago ng air pressure ay nagdudulot ng tinatawag na ruptured eardrum or inner ear damaged. Kapag lumalangoy sa dagat at nagwa-water skiing dapat na gumamit ng swimmers earplugs.

Gumamit din ng aprubadong earplugs or earmuffs kapag nagmo-mowing ng lawn, gumagamit ng power tools gaya ng naghihinang ng bakal at kapag nagta-target practice. Kapag nakakaramdam ng masakit ang tenga pihadong may impeksiyon kaya kumunsulta agad sa doktor. Para sa mga karagdagang kaalaman, para sa prevention of hearing loss, makipagkita at sumangguni kay Dr. Eduardo Go sa mga teleponong: 723-1159; 723-1160; 867-1229 at 867-1230.

Show comments