Kababayan ni GMA ang uupo sa NCRPO
September 14, 2003 | 12:00am
IPINAMALITA na ng kampo ni Chief Supt. Enrique Ike Galang, ang hepe ng Directorate for Operations ng PNP, na siya na ang hihiranging bagong hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) mula Martes. Kumpleto na ang team ni Galang at kasama na riyan ang mga kolektor ng intelihensiya sa jueteng at iba pang mga sugal, yan ang balitang kumakalat sa Manilas Finest. Kung paniniwalaan natin ang Manilas Finest, mukhang ang mga taong malapit kay Presidente Arroyo ang iuupo sa susunod na reshuffle ng pulisya tungo sa pag-anunsiyo niya na tatakbo siyang muli. At mukhang tinitiyak ni GMA na walang semplang ang kandidatura niya sa darating na May elections sa Metro Manila kapag si Galang, na kapwa niya Kapampangan, ang nakapuwesto sa NCRPO. He!-he!-he! Sigurista rin si GMA, no mga suki?
Malakas ang ugong sa Manilas Finest na magkakaroon ng rigodon sa PNP sa darating na Martes nga. Marami silang tinutukoy na pangalan, kung sinu-sino ang palaring makapuwesto, pero si Galang ang nabigyan natin ng pansin dahil masyadong magulo nga ang NCRPO kapag election ang pag-uusapan. Dahil bagyo si Sen. Panfilo Lacson dito sa Metro Manila, aba kailangang bata ni GMA ang uupo sa NCRPO para walang semplang siya. Hindi ko sinabing si Galang ang gagamitin ng Palasyo para mandaya sa May elections ha? May ibubuga ba si Galang, na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 72? Ano ba ang credentials nya maliban sa kababayan siya ni GMA? Yan ang mga katanungang ibinabato ng Manilas Finest.
Ang tanong pa ng Manilas Finest, di ba si Galang ay galing sa Region 4? Hindi kasi makalimutan ng Manilas Finest ang tsismis na ginamit ng mga kolektor ni Galang ang pangalan niya para manghingi ng P1 milyon na advance sa mga jueteng financiers sa Region 4 at matapos matanggap ang naturang halaga ay ipinasara nila ang mga pasugalan doon dahil mainit si Interior Secretary Joey Lina. Bakit yaong sangkot sa jueteng ang mga nakaupo sa mababagong puwesto kung ganoon? Tanong ng Manilas Finest. Tingnan nyo ang mga pitong opisyales ng PNP na sinibak din noon ni Sec. Lina at sa ngayon may magagandang puwesto rin sila. Dapat palang talamak ang jueteng sa lugar mo para ma-promote ka sa PNP natin, di ba mga suki? Kaya huwag kayong magtaka kung laganap ang jueteng sa inyong mga lugar dahil may basbas na ito sa opisina ni Sec. Lina, ayon sa Manilas Finest.
Wala na raw balakid ang pag-upo ni Galang sa NCRPO dahil kampante sa kanya hindi lang itong si GMA kundi pati ang kontrobersiyal na si First Gentleman Mike Arroyo o Incredible Hulk." Hindi lang elections ang papel ni Galang kundi patahimikin din ang mga kaalyado ni Lacson kung saka-sakaling dumami ang bilang ng demonstrations laban sa pamunuan ni GMA habang patagal nang patagal ang expose laban kay Incredible Hulk nga, he-he-he! Nakatatakot si GMA at Incredible Hulk sa sarili nilang anino di ba mga suki? Pero higit sa lahat, ang pinaka-happy sa balitang uupo na si Galang ay walang iba kundi itong sina Mauro Noriega at Rey Domingo, anang Manilas Finest. Sila kasi ang tatayong kolektor ni Galang at tiyak bubundat na naman ang mga bulsa nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest