^

PSN Opinyon

May 'right to privacy' din si Mike at gloria

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Inimbitahan si Ignacio "Iggy" Arroyo ng Senado dahil sa pag-amin nito na siya si "Jose Pidal".

Subali’t naging mailap sa pagsagot si Iggy sa mga katanungan ng mga senador. Kapag ayaw niyang sagutin ang mga senador, ang sinasabi niya’y "Invoke may right to privacy" na naging bukambibig na ngayon.

Dahil na rin sa mga matitinding akusasyon ni Lacson laban kay First Gentleman Mike Arroyo, malimit na humaharap siya (First Gentleman) sa taumbayan na malungkot na nagpapahayag na sana ay hintuan na ang paninira sa kanya. Ang naaapektuhan umano ay ang kanyang asawa at ang mga anak niya lalo na si Luli.

Nagpanukala si Valenzuela City Rep. Magtanggol Gunigundo Jr. na hiwalayan na ni President Gloria Arroyo si Mike upang maprotektahan ang posisyon nito bilang pangulo sa dumi ng pulitika. Dahil dito, pinutakte si Gunigundo ng pagtuligsa.

Ako man ay hindi sang-ayon kay Gunigundo. Walang karapatan ang sinuman na makialam sa personal at pribadong bahagi ng pag-aasawahan. Sa mga Pilipino, sagrado ang kasal lalo na’t mga saradong Katoliko ang mag-asawang Arroyo. Isa pa, mas higit na mahalaga ang nagkakaisang pamilya kaysa sa pulitika. Makabubuti marahil kung gagayahin ni Mike si Iggy sa pagsasabi ng "invoke may right to privacy."

DAHIL

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GUNIGUNDO

IGGY

JOSE PIDAL

MAGTANGGOL GUNIGUNDO JR.

PRESIDENT GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with