Sa tingin ko namay "battle of press releases" ang labanan ng accuser na si Lacson at ng inaakusahang si Mike Arroyo. Sa aking ebalwasyon, lamang sa laban si Lacson. Kaya kung totoong nagpapakawala ng perang pang-silensyo sa media ang Palasyo, wa-epek ito.
Nasabi ko ito dahil sa mga text messages na tinatanggap natin sa feedback section na ang maramiy naniniwala sa mga alegasyon ng Senador. Nahusgahan na si FG sa tinatawag na bar of public opinion bagaman at marami-rami rin naman ang bumabatikos sa anilay "pamumulitika" ni Lacson.
Naisiwalat ni Lacson ang tagong yaman ni FG sa kontrobersyal na "Jose Pidal" account sa pamamagitan ng mga photocopy ng mga bank documents. Be that as it may, marami ang bumilib kay Lacson. Pero sa proseso ng hukuman, orihinal na dokumento lang ang tinatanggap na ebidensya. At mailantad man ang mga orihinal na dokumento, isang bagay pa ang dapat patunayan. Na ang mga ibinunyag na secret account ay galing sa kaban ng bayan o mula sa illegal na paraan gaya ng extortion.
Ang taumbayan ay di dapat maging emosyonal sa isyung ito. Sa halip na kumampi kahit kanino, lumagay tayo sa neutral ground at magsuri sapagkat habang nagkakaroon ng pagkakampi-kampi ang taumbayan, nawawalan ng katatagan ang bansa.
Tutal nakalikha na ng public awareness si Lacson hinggil sa posibleng pagiging kurakot ni FG, magsampa na siya ng karampatang kaso sa hukuman. Ilantad na ang mga kinakailangang ebidensya nang maparusahan ang dapat managot. Habang nagluluwat na walang linaw ang isyung ito, parang tinotortyur ni Lacson at unti-unting pinapatay ang buong bansa.