^

PSN Opinyon

Battle of press releases

- Al G. Pedroche -
NAKAGIGIMBAL ang ibinunyag ni ex-senator at opposition leader Francisco "Kit" Tatad. P100 milyon diumano ang ginagastos ng Malakanyang kada buwan upang tapalan ang media at pagtakpan si First Gent Mike Arroyo sa mga mabibigat na akusasyon ni Sen. Panfilo Lacson.

Sa tingin ko nama’y "battle of press releases" ang labanan ng accuser na si Lacson at ng inaakusahang si Mike Arroyo. Sa aking ebalwasyon, lamang sa laban si Lacson. Kaya kung totoong nagpapakawala ng perang pang-silensyo sa media ang Palasyo, wa-epek ito.

Nasabi ko ito dahil sa mga text messages na tinatanggap natin sa feedback section na ang marami’y naniniwala sa mga alegasyon ng Senador. Nahusgahan na si FG sa tinatawag na bar of public opinion bagaman at marami-rami rin naman ang bumabatikos sa anila’y "pamumulitika" ni Lacson.

Naisiwalat ni Lacson ang tagong yaman ni FG sa kontrobersyal na "Jose Pidal" account sa pamamagitan ng mga photocopy ng mga bank documents. Be that as it may, marami ang bumilib kay Lacson. Pero sa proseso ng hukuman, orihinal na dokumento lang ang tinatanggap na ebidensya. At mailantad man ang mga orihinal na dokumento, isang bagay pa ang dapat patunayan. Na ang mga ibinunyag na secret account ay galing sa kaban ng bayan o mula sa illegal na paraan gaya ng extortion.

Ang taumbayan ay di dapat maging emosyonal sa isyung ito. Sa halip na kumampi kahit kanino, lumagay tayo sa neutral ground at magsuri sapagkat habang nagkakaroon ng pagkakampi-kampi ang taumbayan, nawawalan ng katatagan ang bansa.

Tutal nakalikha na ng public awareness si Lacson hinggil sa posibleng pagiging kurakot ni FG, magsampa na siya ng karampatang kaso sa hukuman. Ilantad na ang mga kinakailangang ebidensya nang maparusahan ang dapat managot. Habang nagluluwat na walang linaw ang isyung ito, parang tinotortyur ni Lacson at unti-unting pinapatay ang buong bansa.

FIRST GENT MIKE ARROYO

HABANG

ILANTAD

JOSE PIDAL

KAYA

LACSON

MIKE ARROYO

PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with