^

PSN Opinyon

Nagkasalu-salubong na pakay magkudeta

SAPOL - Jarius Bondoc -
WALA nang pupuntahan si Sen. Gringo Honasan matapos ang termino sa Hunyo 2004. Ika-13 siya nu’ng 2001 election, kaya tatlong taon lang sa puwesto, at tagapuno sa nabakante ni Vice President Tito Guingona. Pero nais pa niyang manatili sa poder dahil, ika ng mga pinuno ng RAM tulad ni Col. Proceso Maligalig, ambisyoso siya.

Malamang masentensiyahan ng bitay sa plunder si Joseph Estrada. Hindi niya dinepensahan ang sarili sa paglilitis, inalis ang mga abogado, at hindi nakipag-cooperate sa mga itinalaga ng Sandiganbayan. Talo siya dahil default. Di na makakatikim ng layang magsugal, –alak at –babae.

Kung ipasa ang Report No. 237 malamang na paalisin sa Senado si Ping Lacson dahil sa drug trafficking at kid-napping. Mawawalan siya ng panangga. Malamang din ay ibasura ng Korte Suprema ang apela niya na huwag nang buhayin ang Kuratong Baleleng murder case. Nonbailable ‘yun. Kulong siya habang nililitis.

‘Yang tatlong motibo, ayon sa PNP at AFP intelligence, ay nagsalu-salubong sa paglunsad nina Gringo, Erap at Ping ng kudeta. Halata sila. Walong buwan na lang ay eleksiyon na ng bagong Presidente. Kung basta ayaw lang nila kay Gloria Arroyo, konting panahon na lang ang ihihintay para mawala ang babaeng kaaway. Pero dahil desperadong mawala sa poder, masentensiyahan ng bitay, at makulong sa murder, pinondohan nila ang AFP junior officers sa Oakwood Hotel nu’ng July 27 at patuloy na pagre-recruit para sa second wave.

Ano mang tanggi ni Gringo sa media, 25 officers na ang sumumpa na kasama siya sa blood compact na magkudeta ang Magdalo group. Si Erap ay nagbigay ng mga sasakyan at bahay (ng kabit, anak at aide) para staging points. Ambag ni Ping, ayon sa intelligence agent na kausap ni Gringo, ang P30 milyon at brand-new radio transceivers.

Tatlong dating mambabatas ang kasabwat. Sila ang taga-akusa ng corruption sa gobyerno, para mag-udyok ng kudeta’t rally. ‘Yun nga lang kada banat nila, lalong tumataas ang survey ratings ni Gng. Arroyo.

vuukle comment

GLORIA ARROYO

GRINGO HONASAN

JOSEPH ESTRADA

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

MALAMANG

OAKWOOD HOTEL

PERO

PING LACSON

PROCESO MALIGALIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with