P1-M reward sa gagong pumatay kay Diaz
September 11, 2003 | 12:00am
NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO at ang mga miyembro ng NAIA Press Corps Inc. sa mga naulila ni Ms. Lilia Diaz.
Lord, bakit siya pa?
Naglaan ang pamunuan ng Manila International Airport Authority ng P1,000,000 reward para sa ikadarakip patay man o buhay ng lone gunman na tumapos sa buhay ni Ms. Lilia Diaz, acting AGM for Finance and Administration ng MIAA.
Sino kaya ang nagpa-master kay Lilia?
Ano kaya ang dahilan kung bakit ito pinatahimik nang tuluyan?
Masyado na kayang maraming alam si Lilia sa umanoy hokus-pokus dealing sa airport?
Pitsa kaya ang dahilan?
Kinondena ng mga empleyado ng MIAA ang karumal-dumal na pagtumba kay Lilia noong Martes ng morning habang sakay ito ng kanyang van.
Kinainggitan kasi si Lilia sa airport dahil sa umanoy koneksyon niya sa mga bossing dito.
Huling nakausap ng Chief Kuwago si Lilia may isang buwan na ang nakararaan habang naninigarilyo ito sa labas ng gusali ng kanyang opisina.
Gusto kasing magpaliwanag ni Lilia sa Chief Kuwago porke napitik ito sa kolum ng ORA MISMO,
Marami kasing tsismis ang umalingawngaw sa airport nang ibaba ng Korte ang hatol na 4 to 6 years na pagkabilanggo sa kasong extortion.
Halos nagpalakpakan at naglundagan noon ang mga kalaban ni Lilia nang malaman nila ang naging hatol ng court.
Marami naman ang naawang kabig ni Lilia nang pumutok ang istorya sa diyaryo.
Sangkatutak naman ang nagtataka noon kung bakit hindi inalis ni Manda si Lilia matapos ibaba ang hatol ng court.
"Due process kasi ang kailangan," anang kuwagong Kotong cop.
"A person is presumed innocent until proven guilty," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Pero ang isyu rito ay delicadeza," angil ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
"Iyan ang problema nila ngayon, hindi na natin puwedeng kulitin si Manda dahil wala na si Lilia sa kanyang poder?"
"Talagang bilib ako sa iyo, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest