May karapatan si Iggy
September 11, 2003 | 12:00am
HINDI ko alam kung bakit galit ang mga senador kay Ignacio "Iggy" Arroyo sa pagtanggi nitong sagutin ang kanilang katanungan at igiit ang kanyang "right to privacy". Hindi rin nagustuhan ng mga senador ang pagtanggi ng mga bank officials ang kanilang katanungan dahil sa "bank secrecy law". Kitang-kita ang pagkainis ng mga senador sa inaakala nilang pag-iwas ni Iggy at mga bank officials.
Sinabi ng mga senador na maaaring makulong si Iggy dahil sa hindi pagsagot sa mga katanungan nila. Sinabi ng mga ito na walang dahilan si Iggy para hindi magbigay ng salaysay upang maliwanagan ang mga paratang ni Sen. Panfilo Lacson. Inakusahan ni Lacson si First Gentleman Mike Arroyo ng money laundering.
Ipinahiwatig ng mga opposition senators na inaalalayan lamang ng mga senador na taga-administrasyon si Iggy nang gisahin sa Senado. Si Iggy, nakababatang kapatid ng First Gentleman ang umaming siya si "Jose Pidal".
Marami ang naniniwala na may karapatan si Iggy at ang mga opisyal ng mga banko na tanggihan ang mga katanungan ng mga senador sapagkat lalabag sila sa ilalim ng konstitusyon. Isa pa, hindi naman isang Korte ang Senado. Ano ba naman? Kay dami na nating batas subalit hindi natin pinaiiral at sinusunod? Ang iba naman, hindi natin maintindihan katulad ng karapatang ginagamit ni Iggy at ng mga opisyal ng mga banko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am