^

PSN Opinyon

'Fishing expedition' ni Sen.Ping Lacson

- Al G. Pedroche -
PUMALAOT sa karagatan si Sen. Ping Lacson. "Nangingisda". Nangingisda ng karagdagang ebidensyang magdidiin sa kasong katiwalian kay First Gentlemen Mike Arroyo.

Ang mga katibayang iniharap niya sa Senado ay hindi sapat para patunayang guilty si FG. Pero sa mata ng tinatawag na bar of public opinion" tila lumalabas na guilty na nga si FG. Ginagalugad ni Lacson ang Hong Kong at Australia. Naghahanap marahil ng mga bank documents para patunayang may itinatagong ill-gotten wealth ang asawa ni Presidente Arroyo. Magastos na expedition ito.

Kung salapi niya ang kanyang ginugugol sa misyong ito, tila nga marami siyang milyones na handang laspagin na taliwas sa sinasabi niyang wala siyang ill-gotten wealth. Ngunit kung mula sa kaban ng bayan ang ginagastos niya, palso iyan porke taumbayan pala ang sumusustento sa kanyang mga estratehiya para sa sarili niyang ambisyong politikal.

Wasto sanang hakbang ang ginagawa ni Lacson. Iyan ay kung tama ang kanyang motibo. Naniniwala ako na ang mga nagsasamantala sa kapangyarihan ay dapat patawan ng karampatang parusa. Kung dapat bitayin, bitayin! Ngunit ano nga ba ang motibo ni Lacson at puro ingay na lumalason sa isip ng tao ang kanyang inihahasik?

Sa tingin ko’y nais lamang magkaroon ng publicity mileage si Lacson para sa kanyang presidential ambition sa susunod na taon. Inuulit ko, wala akong tutol na tanggalan ng maskara ang mga tiwali sa gobyerno, pero iyan ay dapat idaan sa wastong proseso ng katarungan. Sa eskandalong pinasabog ni Lacson, hindi si FG ang tunay na kinakalaban niya kundi si Presidente Arroyo para hindi na makahirit pa sa 2004.

But in so doing,
napaparalisa ang operasyon ng gobyerno. Pati kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa Pilipinas ay nasisira at dahil diyan, apektado ang ekonomiya. Ang nagdurusa ng higit ay ang maliliit na mamamayan.

Sa halip na maghanap ng bulok ng iba si Lacson, linisin muna niya ang kanyang pangalan sa mga akusasyon laban sa kanya.

FIRST GENTLEMEN MIKE ARROYO

GINAGALUGAD

HONG KONG

INUULIT

LACSON

NANGINGISDA

NGUNIT

PING LACSON

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with