^

PSN Opinyon

Alternative medicine (Huling Bahagi)

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANUMANG pagsisikap ng mga government and health care professionals na maglingkod sa mga karamdaman ay marami pa rin ang namamatay na hindi man lang mabigyan ng medical attention. Buti na lang at naisabatas ang paggamit ng traditional at alternatibong paraan ng panggagamot.

Ayon sa herbalist na si Cornelio Tan, kilala sa tawag na ‘‘Doc Tan,’’ kailangan na ang panggagamot ay non-invasive. Sinabi ni Doc Tan na noong 1997, dalawang herbal medicine, ang lagundi at sambong, ay pormal na inilunsad ng Philippine Council for Health Research and Development. Ang lagundi tablets ay gamot sa ubo at bronchial asthma at ang tabletang sambong ay gamot sa sakit sa bato.

Umabot sa dalawang dekada ng pagre-research bago naaprubahan na ang dalawang gamot ay ibenta sa mga botika. Bukod sa lagudi at sambong marami pang halamang gamot ang binanggit ni Doc Tan gaya ng oregano, damong Maria, Herbabuena, malvarosa, pandan, katakataka, serpentina, tanlad, at mga sanga at ugat ng kahoy na herbal medicine.

Ayon kay Doc Tan bukod sa tamang diet ay dapat ding maging mabuti ang lifestyle. Dapat na iwasan ang karne. Kumain ng mga sariwang gulay at prutas at dapat na maging vegetarian gaya niya. Inirerekomenda rin niya ang pagkain ng ‘‘tufo’’ gaya ng taho at tokwa.

Sa mga may arthritis ipinapayo niya na huwag kumain ng yellow at green beans at ang dapat na kainin ay ang white, black and red beans. Payo rin niya na alisin ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at iba pang bisyo. Sabi niya, mabuti sa katawan ang reflexology, acupuncture at aroma therapy.

Marami nang napagaling si Doc Tan na nagki-klinika sa Sta. Teresita General Hospital sa 100 D. Tuazon cor. Laon-Laan, Quezon City at sa Block 43, Lot 10, Fairfield St., Bel-Air, Sta. Rosa, Laguna. Makokontak siya sa: 7810301 local 125, 0916-2125392 at 0918-3240065.

AYON

BEL-AIR

BUKOD

CORNELIO TAN

DOC TAN

FAIRFIELD ST.

HEALTH RESEARCH AND DEVELOPMENT

PHILIPPINE COUNCIL

QUEZON CITY

TERESITA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with