^

PSN Opinyon

'Palace Political Adviser Jose Rufino, bulok yang style mo!"

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NGAYON pa lang kinukondisyon na ni Palace Political Adviser Jose Rufino ang isipan ng mga mamamayan.

Posibleng magiging madugo raw ang kahihinatnan ng 2004 elections, sakaling matutuloy man ito. Dahilan ni Rufino, nagiging mas aktibo na raw ang mga militar at pulis sa larangan ng pulitika.

Dapat tanungin muna ni Rufino sa kanyang sarili, sino ba ang mga ‘‘nagturo’’ at naghikayat sa pulis at mga militar? Sino ba ang nagising sa mga ito sa kahalagahan ng kanilang ginagampanang papel?

Mga pulitiko natin ang dahilan ng problema! Dagdag sa problema ang kanilang mga political advisers, consultants maging ang mga political spin-doctors. Sila yung mga ‘‘nagpapaikot at nagpapagulo’’ ng isipan ni Juan De la Cruz.

Pawang pananakot ang pinagsasabi nitong si Rufino na siya ring executive director din ng LAKAS-Christian Democrats. Ginamit niya yung prinsipyong ‘‘PAIN is the ultimate tool for shifting a belief.’’

Pangamba, takot at walang katiyakan sa 2004 presidential election at sa presidential form of government. Ito ang gusto niyang maitanim sa isipan taumbayan at mapaniwala sa kanyang mga pinagsasabi.

Ayon kay Rufino, maiiwasan daw yung ‘‘large scale violence’’ kapag seryosong kinunsidera ng ating mga pulitiko na amyendahan na ang 1997 constitution at palitan na ang presidential ng parliamentary form of government.

Inumpisahan na ni Rufino ang ‘‘mental conditioning process using pain’’ sa pamamagitan ng ‘‘pananakot’’ kay Juan De la Cruz. Titingnan natin kung hanggang saan niya mahahatak ang taumbayan.

Hinihintay pa natin sabihin ni Rufino ang mga ‘‘kaginhawaan’’ (pleasure) na maidudulot nitong walang katiyakang parliamentary system.

Dinidikdik ko na sa kukote ni Rufino, hangga’t hindi natin nakikita ang unti-unti nang nabubura ang mga TRAPO (traditional politician) sa ating pulitika, ‘‘basura’’ ang kanyang mga pinagsasabi.

Kung sino pa yung mga TRAPO, sila pa yung maiingay at masigasig isulong ang parliamentary form of government.

Ang gusto pang mangyari ng mga TRAPO ay ipagkatiwala sa KANILA ng taumbayan ang pagbabago ng ating saligang batas sa pamamagitan ng constitutional assembly (CON-ASS) sa kongreso. Tsk…tsk…tsk…

Rufino, bulok ’yang style mo! Bistado ka na!
* * *
Para sa mga TIPS, COMPLAINTS, FEEDBACK, i-text at i-send sa Globe/Touch Mobile sa 2333 or 334 sa Smart/Talkntext subscribers.

Para sa TIPS type

BITAG<space>TIPS<space> (message)


COMPLAINTS type BITAG<space> COMPLAINTS <space> (message)

FEEDBACK type

BITAG<space>FB <space>(message)


O tumawag sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.

E-mail us: [email protected]

AYON

BISTADO

CHRISTIAN DEMOCRATS

CRUZ

JUAN DE

PALACE POLITICAL ADVISER JOSE RUFINO

RUFINO

TOUCH MOBILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with