DOTC Sec.Mendoza, take note! (Part 3)
September 4, 2003 | 12:00am
PARANG kabuteng nagkalat ang mga imported luxury vehicles sa Pinas pero ang ilan sa mga ito ay magic ang papeles dahil ang mga galising grupo ni Ric Water, ang nagtutubig-tubig na utak ng mga sindikato ang nagmamaniobra sa Subic Customshouse.
Maraming matitibay daw na padrino si Ric Water, na pinagyayabang niyang makakatulong sa kanya ng malaki oras na may humarang sa kanilang illegal operations tulad nina Argumento ng Subic, David Tan ng Quezon City; Katigbak ng Makati at Go ng Pasig City.
Hindi biro ang sindikatong ito!
Ika nga, patay kung patay! Basta pera ang pinag-usapan.
Malaki ang nagoyo nila sa gobyerno sa pakikipagsabwatan ng ilang gagong Customs, kamoteng LTO at mga lagapot na PNP-TMG.
Napakatindi ng operasyon, may mga pekadores na mga alalay, hired killer, etcetera.
Dedo ka kapag sinagasaan mo ang grupo ni Ric Water at ang mga padrino nitong sina Argumento, David Tan, Katigbak at Go.
Malapit daw sila sa dating administrasyon porke sila ang tumira ng mga mamahaling sasakyang ginamit ng mga hunghang noon.
Sandamakmak ang nakapatong kay Ric Water tulad nina Paldo, ng Warrant Section ng Customs sa Subic; Kapreng Kiam Bow ng LTO sa Diliman; Sumpit ng LTO Herran; Sir Nan Des ng Customs Assessment sa Subic; Lt. Polipoly ng Customs Police sa Subic; isang Tess Bun ng PNP Vehicle clearance; at isang Chit Tabachoy ng LTO Central Office.
Libu-libong pera ang ibinubulsa nito na dapat sana sa gobyerno napupunta.
Sila ang umaalalay sa mga pekeng papeles ng mga talong financing, ina-apply ng change ownership at change plate para mahirapang ma-trace ng mga matitino sa TMG-Limbas.
Dahil sa well-entrenched ang grupo ng mga pekadores na sina Jun Peklat, Loyd Scarface at Mary Anne, ang maraming anan, este nunal pala sa LTO offices sa Tarlac, Olongapo, Herran at maging sa Central office ay nagagawa nilang nakawin ang maraming records na gusto nilang magikin.
Nakukuha raw nila sa LTO ang file number ng mga sasakyan at kunwari ay ipase-xerox ang mga dokumento pero hindi na nila ibabalik at pagkatapos ay iho-hokus-pokus nila.
Presto, ika nga! Matindi ang operasyon ng tatlong galisin dahil malakas sila kay Kapreng Kiam Bow kaya labas-masok sila sa opisina nito. P80,000 kasi kada sasakyan ang ibinibigay nila kay Kapreng Kiam Bow kapag may milagro silang ginagawa.
Kapag nakuha ang records ng financing, tiyak na mahihirapan nang makapa ulit ito kasi itinatakbo na nila ang mga papeles. Ika nga, iuuwi at doon mamaniobrahin. May mga bitbit din silang mga fake stamp pads na puro pangalan daw ng mga LTO officers para gamiting pang-tatak sa mga dokumentong kanilang sasalamangkahin. May dala ring dry seal, makinilya at dymo para pangtatak sa serial number.
"Kulang ulit sa espasyo ang Chief Kuwago," anang kuwagong Kotong cop.
"Sige, gumaganda ang istorya, bili ulit tayo ng Pilipino Star Ngayon sa susunod na isyu ng ORA MISMO."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended