Ayon sa aking bubuwit, 112 days na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Bro. Rodrigo Diapana, Ishmael Lapira, Juan Angelo Nebres, Joe Lambio, Ed Apacible, Ghia Kristina Idquival at sina Rey at Ligaya dela Cruz.
Ilan sa kanila ang nakipag-usap sa mga executive ng ilang drug companies upang mag-endorse ng kanilang mga produkto. Maniniwala ba kayo na kahit libre ay pumapayag ang mga pulitikong ito na mag-endorse ng gamot?
Mas madali kasi silang matandaan ng mga botante kapag madalas silang nakikita sa mga advertisement.
Yun ngang iba diyan eh, nagbabayad pa ng mga cameramen o nakikiusap pa sa mga PBA officials para madaanan man lang sila ng camera kapag nanood sila ng basketball game sa PBA.
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa ginawang endorsement ni Sen. Flavier sa isang uri ng gamot, marami ang naiinggit sa kanya. Tumaas ang kanyang popularity rating matapos mag-endorso ng gamot.
Sikat na siya noong siya ay Health Secretary pero nadagdagan pa ang kasikatan niya dahil sa kanyang pamosong "Bawal Magkasakit."
Naiinggit ba sila kay Sen. Flavier, Sen. Loren Legarda, Sen. Ping Lacson at Mareng Winnie Monsod?
May napagbigyan at meron namang hindi sapagkat tinitingnan din naman kasi ang credibility ng isang tao bago mag-endorse ng produkto.
Ayon sa aking bubuwit, ang mga nakiusap sa isang drug company para mag-endorse ng gamot ay sina...
Kinabibilangan sila ng tatlong senador at tatlong Cabinet member.