Asawa ka ba ng pangulo?
September 2, 2003 | 12:00am
MASAMA raw ang loob ng isang ginang ng di siya pagbigyan ng Clerk of Court ng Manila Regional Trial Court na piyansahan ang kapatid niya dahil dumating siyang pasado 4:30 ng hapon samantalang si Señor Don JOSE Miguel Arroyo na kasabay niyang dumating ay pinayagang mag-file ng libel case.
Ibinalita ito sa PHILIPPINE STAR noong Sabado at naisip ko na may problema ang ginang na ito. Nabubuhay siya sa isang mundo ng PANAGINIP LANG dahil maaaring naniniwala siya na pantay-pantay tayo sa harap ng batas.
Ano naman ang karapatan niya, asawa ba siya ni Madam Señora Donya Gloria? Marami ba siyang bodyguard na ang nagbabayad ay taong bayan? Meron ba siyang opisina sa 8th floor LTA building, 118 Perea St., Makati City? Bukod sa mga bodyguard na miyembro ng Presidential Security Group, meron bang mga pulis at military na nagbabantay sa opisina at bahay niya o kung saan man siya nagtatrabaho?
Noong dumating ka sa Manila city hall, meron bang convoy at katakut-takot na wangwang ng mga hagad para walang traffic? Sipsip ba sayo ang mga pinuno ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno at sa opisina mo ba nagre-report ang mga ito? Meron ba silang mga dalang mga MAHIWAGANG BAG pag nagre-report sa iyo?
Madalas ka bang maglakbay papuntang Hong Kong at may dala ka bang MAHIWAGANG BAG na hindi puwedeng inspeksyunin sa airport?
Biyenan mo ba ay ang yumaong Pangulong Diosdado Macapagal, kung kanino pinangalan ang pinakamahal na kalye sa buong mundo? Bise Gobernador ba ang anak mo?
Ka-address mo ba ang mayaman pero very low profile na si JOSE PIDAL? Meron ka bang lolo na JOSE PIDAL ang pangalan? Ka-opisina mo rin ba ang mga sikat at napakayamang si Victoria Toh? Thomas Toh Jr? at Kelvin Tan?
Nagkalat ba ang mga bank accounts mo hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa ibang bayan? Pinapansin ka ba ng Morgan Stanley dahil milyon din ang dollar account mo?
Marami ka bang kompanya na kasosyo mo uli sina Victoria Toh, Thomas Toh Jr. at Kelvin Tan? Eh mga properties sa San Francisco, Vancouver at iba pang lugar, meron ka ba? May joint ownership ka ba na mga building with Victoria Toh?
Kaya mo ba kaming isama sa Presidential Yacht? Isakay sa helicopter para lang maggala sa Tagaytay? At ipasyal ang secretarya sa ibang bansa? Meron ka bang empleyado at inaanak na Eugenio "Udong" Mahusay Jr?
Kung gustong mag-family reunion ng empleyado mo pinasusundo mo ba kay Housing Secretary Michael Defensor? Kaya mo ba papuntahin si Presidential Spokesman Ignacio Bunye at pasundo pa sa dalawang Presidential helicopter?
Mahilig ka ba sa hayop lalo na sa kabayong pangarera at puro mga thoroughbred pa, kaya kontrolado mo na ang horse racing sa bansa?
Tiyak ko sa lahat ng tanong ko ay wala o hindi ang sagot kaya ang masasabi ko sa kawawang ginang na ito at sa kanyang kapatid na napilitang magdusa sa kulungan ay huwag masyadong malungkot dahil hindi siya nag-iisa. Marami tayong ganyan kaya sana gumising na tayo at kahit sa panalangin ay hingiin na natin na _____________ (bahala na kayo sumagot sa blanko, text nyo ) na sana sila ni LORD.
Msydo nmang inuulol mga tao. tpos gmi10 c dfensor at2 helicoptr s pgdukot kay mahusay plging cnsbi handsoff c PGMA kso ni FGMA, tama na hus2 na! d kmi ulol. 09162052809; Alm mo Nixon kua tlgang mlapit kna,wla ng positive sau ang admin. Arroyo puro negative. 09198293011;
O cno namang PONSYO PILATO na ito na nagsasabing cya raw c JOSE PIDAL? After 10days doon k p lng lilitaw at aakuin mo na, na ikaw iyon? STYLE MO BULOK! Manahimik k n lng. 09207198577; Mike arroyo, pahirap ka sa taumbayan, makakarma ka rin. 09206069408; Dnkmi mka loan GSIS dhil knrakot pondo nmin n mike arroyo dyn s mcpgal blvard. Bakit pera nmin pnkalaman nyo? 09203247088;
Pra d umalis mga nurses d2 sa PILIPINAS dgdagan sweldo, kung pwd lng mg coup mga nurses gnawa na. 09208422898; Kpal ng mkha ni j pidal. Ano yan mul2 d nakarehistro sa pinas milyones ang pera sa bangko. Bgay dyan barilin sa luneta ng ma2wa ang 2kayo nya. 09208048107;
Kwwa nman tyong mga mhhrap. Khit ayw ntin sa gbyernong inupo ng myyman wla tayong maggwa. Sa mlas, mukhang ayaw ng btwan ng mga swpang sa kpngyarhan ang ingaw nila. 09196280305; Aayd na lng s PPA ang jose pidal account hrap na kmi sa npkmhal ng singil sa kuryente. 09207123711; Sana dalhin c jose pidal sa gitna ng dagat at ipakain sa pating kung d cya aamin. 09205439684.
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kayay mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.
Ibinalita ito sa PHILIPPINE STAR noong Sabado at naisip ko na may problema ang ginang na ito. Nabubuhay siya sa isang mundo ng PANAGINIP LANG dahil maaaring naniniwala siya na pantay-pantay tayo sa harap ng batas.
Ano naman ang karapatan niya, asawa ba siya ni Madam Señora Donya Gloria? Marami ba siyang bodyguard na ang nagbabayad ay taong bayan? Meron ba siyang opisina sa 8th floor LTA building, 118 Perea St., Makati City? Bukod sa mga bodyguard na miyembro ng Presidential Security Group, meron bang mga pulis at military na nagbabantay sa opisina at bahay niya o kung saan man siya nagtatrabaho?
Noong dumating ka sa Manila city hall, meron bang convoy at katakut-takot na wangwang ng mga hagad para walang traffic? Sipsip ba sayo ang mga pinuno ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno at sa opisina mo ba nagre-report ang mga ito? Meron ba silang mga dalang mga MAHIWAGANG BAG pag nagre-report sa iyo?
Madalas ka bang maglakbay papuntang Hong Kong at may dala ka bang MAHIWAGANG BAG na hindi puwedeng inspeksyunin sa airport?
Biyenan mo ba ay ang yumaong Pangulong Diosdado Macapagal, kung kanino pinangalan ang pinakamahal na kalye sa buong mundo? Bise Gobernador ba ang anak mo?
Ka-address mo ba ang mayaman pero very low profile na si JOSE PIDAL? Meron ka bang lolo na JOSE PIDAL ang pangalan? Ka-opisina mo rin ba ang mga sikat at napakayamang si Victoria Toh? Thomas Toh Jr? at Kelvin Tan?
Nagkalat ba ang mga bank accounts mo hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa ibang bayan? Pinapansin ka ba ng Morgan Stanley dahil milyon din ang dollar account mo?
Marami ka bang kompanya na kasosyo mo uli sina Victoria Toh, Thomas Toh Jr. at Kelvin Tan? Eh mga properties sa San Francisco, Vancouver at iba pang lugar, meron ka ba? May joint ownership ka ba na mga building with Victoria Toh?
Kaya mo ba kaming isama sa Presidential Yacht? Isakay sa helicopter para lang maggala sa Tagaytay? At ipasyal ang secretarya sa ibang bansa? Meron ka bang empleyado at inaanak na Eugenio "Udong" Mahusay Jr?
Kung gustong mag-family reunion ng empleyado mo pinasusundo mo ba kay Housing Secretary Michael Defensor? Kaya mo ba papuntahin si Presidential Spokesman Ignacio Bunye at pasundo pa sa dalawang Presidential helicopter?
Mahilig ka ba sa hayop lalo na sa kabayong pangarera at puro mga thoroughbred pa, kaya kontrolado mo na ang horse racing sa bansa?
Tiyak ko sa lahat ng tanong ko ay wala o hindi ang sagot kaya ang masasabi ko sa kawawang ginang na ito at sa kanyang kapatid na napilitang magdusa sa kulungan ay huwag masyadong malungkot dahil hindi siya nag-iisa. Marami tayong ganyan kaya sana gumising na tayo at kahit sa panalangin ay hingiin na natin na _____________ (bahala na kayo sumagot sa blanko, text nyo ) na sana sila ni LORD.
O cno namang PONSYO PILATO na ito na nagsasabing cya raw c JOSE PIDAL? After 10days doon k p lng lilitaw at aakuin mo na, na ikaw iyon? STYLE MO BULOK! Manahimik k n lng. 09207198577; Mike arroyo, pahirap ka sa taumbayan, makakarma ka rin. 09206069408; Dnkmi mka loan GSIS dhil knrakot pondo nmin n mike arroyo dyn s mcpgal blvard. Bakit pera nmin pnkalaman nyo? 09203247088;
Pra d umalis mga nurses d2 sa PILIPINAS dgdagan sweldo, kung pwd lng mg coup mga nurses gnawa na. 09208422898; Kpal ng mkha ni j pidal. Ano yan mul2 d nakarehistro sa pinas milyones ang pera sa bangko. Bgay dyan barilin sa luneta ng ma2wa ang 2kayo nya. 09208048107;
Kwwa nman tyong mga mhhrap. Khit ayw ntin sa gbyernong inupo ng myyman wla tayong maggwa. Sa mlas, mukhang ayaw ng btwan ng mga swpang sa kpngyarhan ang ingaw nila. 09196280305; Aayd na lng s PPA ang jose pidal account hrap na kmi sa npkmhal ng singil sa kuryente. 09207123711; Sana dalhin c jose pidal sa gitna ng dagat at ipakain sa pating kung d cya aamin. 09205439684.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended