^

PSN Opinyon

Cancer: Iba't iba kung manalasa sa bawat bansa (Una sa 2 bahagi)

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ALAM n’yo ba na mayroong mahigit na 100 tumorsvaries sa maraming bahagi ng mundo. Ito ang kinalabasan sa pag-aaral base sa geographical variations at ang obserbasyong ito ang naging dahilan kung kaya na-develop at ipinanganak ang science of epidemiology. Ang frequency ng sakit ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang nagbigay ng clues kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng cancer. Kinukuha ang data ng mga insidente ng pagkakaroon ng tumor sa isang bansa at ikinukumpara naman ito sa iba pa. Lumalabas na hindi nagkakapare-pareho o may mga variations sa bawat bansa ang pananalasa ng cancer.

Isang halimbawa ay ang cancer sa skin. Ang cancer na ito ay 200 beses na karaniwang nananalasa sa Queensland, Australia kung ikukumpara sa Bombay, India. Ang skin cancer ay pinaniniwalaang bunga ng genetic at environmental factor. Mas resistant ang skin ng mga Indian kaysa sa mga Australian na naka-expose sa matinding init sa Queensland.

Ang cancer sa esophagus naman ay karaniwan sa maraming bansa sa Middle East at sa Far East. Batay sa report, 300 beses na maraming kaso ng cancer sa esophagus sa Northern Iran kaysa sa Nigeria.

Sa England at Wales ay may mataas na kaso ng lung cancer subalit may mababa naman silang kaso ng cancer sa liver at nasopharynx. Ang mga kababaihan sa Japan ay may mababang bilang nang nagkakaroon ng breast cancer subalit mas mataas ang bilang ng nagkakaroon ng stomach cancer doon.

Ano ba ang karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng cancer? Kabilang sa mga cancer causing factors ang labis na pag-inom ng alak, paninigarilyo, kakulangan ng Vitamin A at iba pang nutrients, diet na kulang sa pagkain ng prutas, gulay at ang mataas na diet sa nitrosamines.

(Itutuloy)
* * *
Kung kayo ay may mga katanungan kay Dr. Elicaño, sumulat lamang sa Pilipino Star NGAYON, Roberto Oca cor. Railroad St. Port Area, Manila.

CANCER

DR. ELICA

FAR EAST

MIDDLE EAST

NORTHERN IRAN

PILIPINO STAR

QUEENSLAND

RAILROAD ST. PORT AREA

ROBERTO OCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with