^

PSN Opinyon

Kumpare rin ni Alcoriza si Sen. Robert Barbers

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGSIMULA pala sa negosyong ‘‘hot meat’’ ng kalabaw ang bagong jueteng lord ng Maynila na si Delfin Alcoriza, na gumagamit ng pangalan ni Mayor Lito Atienza. Sinabi ng mga kausap kong Manila’s Finest na pito hanggang walong kalabaw kung magparating araw-araw si Alcoriza noong mga ’80s. Sinabi ng mga pulis na sinusundo nila ang van ni Alcoriza sa Vito Cruz sa boundary ng Maynila at Makati City inieskortan ito patungong Divisoria. Ang alam ng mga nakausap kong Manila’s Finest ay galing ang mga ‘‘hot meat’’ sa Lucena City. Dalawang daan ang ibinibigay ni Alcoriza sa mga pulis. Malaki na ang naturang halaga noong mga araw. Kaya’t maraming natutuwa kay Alcoriza dahil magaling naman siyang makisama. Dapat lang no?

At nasa negosyong ‘‘hot meat’’ siya nang makilala naman ni Alcoriza si Sen. Robert "Bobby’’ Barbers na noon ay police colonel pa. Naging maganda nga ang pagtitinginan ng dalawa hanggang maging kumpare pa. Kaya hanggang sa ngayon, bitbit pa ni Alcoriza ang pangalan ni Barbers sa mga ilegal niya, lalo na sa jueteng na ang codename ay ‘‘Kapalaran.’’ Aba kung sanggang-diin ka sa isang senador, tiyak magiging maganda ang kapalaran mo, he-he-he! Itong committee ’ata ni Sen. Barbers sa Senado ang nagpapasya ng pondo ng PNP natin, di ba mga suki?

Sinuwerte uli si Alcoriza at sa ngayon ay umaangkat na siya ng baka at kung anu-ano pang karne sa ibang bansa tulad ng Australia. At para matulungan niya si Mayor Atienza, naisipan ni Alcoriza na pasukin ang rolling stores project kung saan ang mukha ng una ay nakabandera sa mga vans na umiikot sa Kamaynilaan. Maganda naman ang proyekto na ito ni Atienza dahil maraming mahihirap ang nakikinabang. Pero ang nasubi pala ng mga mahihirap na konting salapi ay kukunin din ni Alcoriza sa pamamagitan ng jueteng at iba pa niyang hawak na sugal tulad ng araw-araw na tupada sa Vitas, Tondo. Hanggang sinusulat ko ang kolum na ito patuloy ang jueteng ni Alcoriza. Pati tupadahan niya na minimintini ng kapitbahay niya sa San Antonio sa Tondo na si Jessie Taga ay patuloy pa rin ang operasyon, he-he-he! Hindi natin tatantanan si Alcoriza, di ba mga suki?

Hindi lang sina Alcoriza, bookies king na si Oscar Simbulan alyas Boy Abang at Buboy Go, ang hari ng video karera ang namamayagpag sa ngayon sa kaharian ni Mayor Atienza kundi marami pa. Isama na natin sa listahan itong pulis na si Arnold Ajesta at mga kapatid niya, na halos buong Tondo na nakalatag ang mga makina niya sa video karera. Yumaman na si Ajesta sa mga vendors sa Divisoria pero sa tingin ng mga kapwa niya pulis ay wala itong kabusugan.

vuukle comment

ALCORIZA

ARNOLD AJESTA

BOY ABANG

BUBOY GO

DELFIN ALCORIZA

DIVISORIA

JESSIE TAGA

KAYA

MAYOR ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with