Pasasalamat ng mga kriminal

MERON pong tumawag sa atin at gusto raw ipaabot ang lubos na pagpapasalamat kay Señor Don JOSE Miguel Arroyo at ganoon din kay Mahiwagang Ginoo JOSE Pidal at sa iba pang mga sikat na nag-oopisina sa 8th floor LTA building, 118 Perea St., Makati City.

Pasalamat din daw kay Eugenio (Udong) Mahusay Jr. at sa kanyang Ninong na si Housing Secretary Mike Defensor.  Thank You na rin sa hepe ng iba’t ibang intelligence agency, lalo na kay National Security Adviser Roilo Golez.

Ganoon din kay Defense Secretary Angelo Reyes at PNP Chief Hermogenes Ebdane, sama na rin daw nila sa  tatanawan ng utang na loob si DILG Secretary JOSE Lina at ang mga opisyal ng Presidential  Security Group.

Pero higit sa lahat at siyempre raw PINAKAMALAKING UTANG NA LOOB kay Madame Señora Donya Gloria.

Dahil raw sa mga tulong nila, gumanda raw ang kanilang kita at napadali ang kanilang mga trabaho.  Madali silang natapos  sa kanilang gawain at nabawasan ang peligro.

Pakiusap ho ay tuloy n’yo lang ang ginagawa n’yong kasipagan at kung maaari ay dagdagan pa ng bantay sa EDSA Shrine, LTA building at ang mga pangunahing lansangan  papasok sa Kamaynilaan. Kung noong ilang araw ay mahigit isang  libo  sa  EDSA Shrine lang, ngayon gawin n’yo na sanang limang libo at hindi raw  sila magrereklamo kahit daw  dagdagan pa.

Sa Malacañang naman ay dapat din daw dagdagan ang mga sundalo. Papuntahin daw lahat ang  mga sundalong tumutugis sa Abu Sayyaf, MILF,  NPA, Kidnap for Ransom Gang at iba pang armadong elemento dahil dapat talagang bantayan HER EXCELLENCY GLORIA MACAPAGAL ARROYO, sa wika natin KANYANG KAMAHALAN GLORIA MACAPAGAL ARROYO.  (ayan ha, Kamahalan na tawag ko, huwag n’yo na akong kagalitan).

Super ang paggalang ng kausap ko, sobra siya tumanaw ng utang na loob, di ko na matiis, tinanong ko siya, eh sino ka ba? Kaibigan ka ba ni Madam Señora Doña Gloria, supporter ka ba nila? Kasosyo ka ba ni Ginoong JOSE Pidal? Golfing buddy ka ba ni Señor Don JOSE Miguel Arroyo o baka naman supplier ka o kontratista sa Armed  Forces of the Philippines o Philippine National Police o sa Housing department?

Biglang nagbago ang kanyang tono at sumagot: "Di mo ba ako kilala, ako ang tagapagsalita ng mga rebelde, kidnappers, holduppers, mandurukot, akyat bahay, rapists at iba pa."

"At alam mo Mr. Nixon T. Kua, ingat ka dahil malapit ka na rin, tandaan mo di ka makapangyarihan, di ka kakampi ng Malacañang, wala kang BILLION peso at multi million dollar account at wala ka ring Morgan Stanley na financial adviser, sa madaling salita, ordinaryong tao ka lang," yon ang huli kong narinig, napabalikwas ako, nagising, buti PANAGINIP  LANG.

Bumangon ako, di muna ako bumalik sa pagtulog, binuklat ko ang diyaryo at ito ang bumungad sa akin: Citibank Headquarters hinoldap, araw-araw may nari-rape di lang sa Kamaynilaan kung hindi sa buong bayan, addict nang-hostage, ambush sa Mindanao at ibang probinsya, Kano misis na Pinay hinoldap na tinodas pa at iba pang daan-daang krimen.

Pero safe  naman ang mga MAKAPANGYARIHANG taga-MALACAÑANG at LTA building, ang KARDINAL SIN, ang mga Gabinete at HENERAL at mga alipores nila.  Dami nilang bodyguards, bayan pa nagbabayad.  Sundalo at pulis pa, pero syempre naman ok lang, di tayo dapat umangal.   Alipin lang  naman tayo, sabi nga nila.  Walang karapatan kaya bahala na, may araw din kayo.  
* * *
Dapat mag-resign si GMA  dahil   sobra talamak na korupsyon  sa gobyerno at wlanng direksyon  sa mammalakad. –09206069404; Bakit bayan ang magpalit ng dollar? si gma muna kasi syang may  dollar! –09204334570;

Since ayaw aminin ni FG na cya c jose pidal  at wla nman registerd jose pidal s nso, ipamigay n lng ang pera s mga mhi2rap o kya ipagawa ng  eskwelahan. –09205144533; Sa charity na lng ibigay ang pera ni jose pidal pra  mka2long. –09187825472; Pwede  ba magpakilala na  ang 2tong JOSE PIDAL na  yan, hiram lanng ako pera pangbayad ng tuition ng  anak ko. –09198542549;

Pulis soldier may pabahay  na may  salary increase pa kailan kaya mapapansin ang mga kawawang guro. –09202841939;  Kaming taong bayan wala na tiwala sa kurap na pamahalaan. –09207597611;

Tindi rin ng effort ng administratiion mpagtakpan JOSE PIDAL issue. GARAPAL msyado. –09207878166; Mas nanganganib ang buhay ni udong ngayong nasa kamay ng  govt. cia dahil napakalaki  ng damage na nagawa kay FG Arroyo at GMA. –09223447555;

Gbyerno dsperado na pati pres. Chopper gnamit sundukot udong. –09198219583; Khit anong gawin nla hndi  na kmi nani2wala. Jose pidal s jose mguel arroyo. –09162731909; C mike at c jose pidal iisa lang dhil iisa anng adres at alang ngkleclaim. –09272429164.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua@yahoo.com o kaya’y mag-text sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments