Sumayaw ka na lang Sen.Oreta
August 30, 2003 | 12:00am
GUMIMIK na naman si Sen. Tessie Aquino Oreta. Ipinanukala niya na makakabuti sa bansa na magpatawag ng snap election si President Arroyo upang maiahon ang bansa sa pagkakalugmok.
Siguro nga ay makabubuti pang magsayaw na lamang si Oreta at huwag na lamang siyang magngangawa ng wala sa lugar. Ipinagmalaki niya na ganito rin ang ginawa ni President Ferdinand E. Marcos nang magpatawag ito ng snap election noong 1986. Anong nangyari? Di ba nasayang lamang sapagkat dinaya ni Marcos ang election?
Hindi ko sinasabi na magkakayarian na naman kung magkakaroon muli ng Snap election subalit di ba mas makabubuti kung hihintayin na lang natin ang eleksiyon sa May 2004?
Nagkakagulo ang bansa dahil na rin sa sobrang pulitika na kagagawan ng mga katulad ni Sen. Tessie Oreta at ng mga kasama niya. Parati na lamang silang naghahanap ng butas upang siraan at akusahan ng masama ang mga nasa administrasyon na lumalabas tuloy na wala nang ginagawang tama.
Puwede ba, Sen. Oreta, tumigil na muna kayo sa pamumulitika. Turuan mo na muna ang mga kasamahan mo na sumayaw na lamang muna hanggang May, 2004. In the meantime, makipagtulungan na muna kayong mga nasa oposisyon sa gobyerno sa ikabubuti ng bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended