Editoryal - Katotohanan ang hanap ng taumbayan
August 30, 2003 | 12:00am
HANGGAT walang nailalabas na matibay na katibayan si Sen Panfilo Lacson sa kanyang akusasyon kay First Gentleman Mike Arroyo na magdidiin dito, mananatiling isang palabas lamang ang lahat ng nangyayari at ang iisipin ng taumbayan, "namumulitika" lamang siya. Kinukuha ang atensiyon ng taumbayan sa pamamagitan lamang ng "paglulubid ng buhangin".
Kailangan ang matibay na ebidensiya para madiin at madala sa Korte ang inaakusahan niya. Sinabi ni Lacson na corruption "sa mataas na level ng gobyerno" lamang ang kanyang puntirya at kailanman ay hindi niya inaatake si President Arroyo. Wala umano siyang tinatarget na personalidad sa kanyang pagbubulgar ng katiwalian ng First Gentleman.
Kung totoo ang kanyang sinasabi, magandang behikulo ang kanyang pagbubunyag sapagkat ang taumbayan ay matagal nang nangangarap na may "malaking isda" na sanang maipakukulong o ma-lethal injection dahil sa katiwalian. Kung totoo ang kanyang sinasabing pagdurog sa corruption sa gobyerno, malamang na makakuha siya ng atensiyon na magdadala sa kanya sa trono. Kung pawang totoo ang kanyang mga ibinunyag, hahangaan siya ng taumbayan at magiging "bayani" dahil sa malasakit na malipol ang mga "buwaya". Subalit kung ang kanyang pag-iingay at mga pagbubulgar ay pawang kasinungalingan lalayuan siya ng tao.
Ang kanyang star witness na si Eugenio "Udong" Mahusay ay "bumaligtad" na at nag-sorry kay Mrs. Arroyo dahil sa kanyang mga isinalaysay ukol sa First Gentleman. Sinabi ni Udong noong Lunes sa isang press conference na nakita niya ang kanyang ninong na si Mike Arroyo na pumirma sa tseke sa pangalang Jose Pidal. Sinabi rin niya na may relasyon si Mike sa secretary nitong si Victoria Toh. Na-rescue si Udong sa isang maliit na hotel sa Tagaytay City noong Martes na umanoy safehouse ni Lacson. Ayon kay Udong, tinawagan niya ang kanyang mga kapatid at hiniling na kunin na siya sa kinaroroonan ng hotel. Kasama ng dalawang kapatid si Housing Sec. Mike Defensor nang I-rescue si Udong. Sinabi naman ni Lacson na "dinukot" si Udong para hindi makapagsalita. Pinabulaanan naman ito ng mga kapatid ni Udong at Defensor.
Ano ang totoo? Katotohanan sa mga akusasyon ang kailangan. Matibay na ebidensiya para magdiin sa inaakusahan. Ang taumbayan ay nagsasawa sa mga balitaktakan at batuhan ng salita. Katotohanan ang kanilang hinahanap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest