^

PSN Opinyon

DOTC Sec. Mendoza, take note! (Part 1)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MATINDI ang ibinulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, ng isang asset hinggil sa operasyon ng mga pekadores tungkol sa mga inilalabas na imported luxury vehicles sa Subic Customshouse.

Peke raw ang invoice at confirmation receipt ng mga sasakyang ipinupuslit sa nasabing lugar.

Ang grupo nina alyas Loyd, Jun at Mary Ann ang pekadores ng mga bogus na rehistro para kay Ric Water, ang natutubig-tubig na tirador sa Subic.

Malakas daw ang grupo ng pekadores sa mga kamoteng opisyal ng Land Transportation Office sa Olongapo, Malolos, Herran at Angeles City.

Kasama sa operasyon ng grupo ang isang Big Mama, ang kilalang smuggler sa pier.

Ginagawa ang nasabing mga pekeng invoice at confirmation sa isang lugar sa Recto St., Manila.

May isang chiching na kasabwat din daw ng grupo sa PNP vehicle clearance, TMG bossing Danilo Mangila, for your information.

Sangdamakmak ang pitsang ibinibigay ni Ric Water sa mga gagong opisyal ng gobyerno para malayang makalabas ng Subic ang mga luxury vehicles na peke umano ang mga dokumento.

Maraming sasakyan ngayon ang nasa labas ng Subic ang kasalukuyang itinatago ng mga may-ari dahil hindi nila magamit kasi peke ang mga invoice at confirmation.

"Matindi pala ang sindikato," anang kuwagong Kotong cop.

"Malalim ang operasyon kaya dapat malaman ito ni DOTC Sec. Larry Mendoza," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kulang sa espasyo ang Chief Kuwago kaya sa susunod na isyu na lang natin ulit ikukuwento ang nasabing isyu."

"Sige, kamote aabangan namin!"

vuukle comment

ANGELES CITY

BIG MAMA

CHIEF KUWAGO

DANILO MANGILA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LARRY MENDOZA

RIC WATER

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with