Ping vs Mike A., taumbayan ang napeperwisyo
August 28, 2003 | 12:00am
UMAATIKABO na ang labanang Ping Lacson at Mike Arroyo. Sa tingin, lumalabas na nakakalamang si Lacson sa sagupaan sapagkat siya ang unang pumutak lalo na at ang kanyang binanatan ay hindi masasabing isang santo sa mata ng mga kalaban sa pulitika at ayaw sa pamamalakad ng asawa nito. Kahit na sabihin pang walang katotohanan ang mga akusasyon ng senador, may mga taong mababaw ang pag-iisip at madaling maniwala sa mga sabi-sabi lamang.
Sa kabilang dako naman, mukhang natauhan na si First Gentleman Mike Arroyo. Hindi niya marahil inakalang pagdidiskitahan siya ni Ping. Humahataw na rin ngayon si Mike sa tulong ng kanyang mga kaalyado. Binubuweltahan na rin nila si Ping na nahaharap din sa maraming malalaking kaso kabilang ang Kuratong Baleleng, money laundering, kidnapping at drug trafficking.
Maaaring maging matindi ang labanan nina Ping at Mike lalo nat malapit na ang eleksyon. Kahit na ano pa ang sabihin, dawit dito si President Arroyo. Sino ngayon ang napeperwisyo? Walang iba kundi ang mamamayan. Walang maaasahang makapagsasalba sa taumbayan dahil sa ang inaatupag ng mga pinuno ay ang sarili nilang kapakanan. Magsitigil na kayo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended