Magandang koleksyon,ipagpatuloy
August 26, 2003 | 12:00am
HINDI dapat magpadala sa negatibong impresyon ng tao dulot ng ginagawang lifestyle check, at sa halip ay ipagpatuloy ang magandang performance para sa revenue collection ng Bureau of Customs.
Nagtalumpati kahapon ng umaga si Customs Commissioner Antonio Bernardo sa harap ng mga empleyado nito sa NAIA pagkatapos ng flag ceremony. Bukod kay Bernardo, sinama nito sina Deputy Commissioners Ray Allas, Alex Arevalo at Gil Valera para ipakita ang kanilang suporta sa mga employees ng bureau.
Noong Biyernes ng hapon humarap ang limang top brass official ng BOC para ipakita sa media ang isinumite nilang courtesy resignation sa Palasyo. Binatikos nila ang umanoy hindi makatwirang lifestyle check na ginagawa sa mga opisyal at kawani ng bureau ng Transparency Group ni Roberto Tiglao. Pero hindi naman tinanggap ni Prez Gloria ang pagbibitiw ng mga opisyal.
Tinuligsa naman ng Bureau of Customs Employees Association ang paraan ng Palasyo tungkol sa isyu ng unexplained wealth ng mga taga-bureau dahil wala raw due process. Nadadale raw sila sa trial by publicity!
Nagulat ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil nakita nito sa parking lot ang mga 2nd hand vehicles na gamit ng ilang empleado dito na dati-rati ay pawang mga brand new cars. Maganda rin ang naisip na paraan ng Palasyo para masawata ang mga tulisan na nagpapasasa sa pera ng bayan. Marami ang umangal sa lifestyle check hindi lang ang Customs kundi maging ang iba pang taga-gobyerno.
Dapat may due process, anang kuwagong Kotong cop.
Meron naman kaya nga sa Ombudsman magpapaliwanag.
Eh, paano ang kahihiyan dinulot ng publisidad?
Bakit may hiya pa ba ang ibang kurap? sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Paano iyong hindi kurap na nasama sa publisidad?
Iyan ang dapat nilang ipaliwanag pagkatapos ng kanilang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am