^

PSN Opinyon

Kopya ng kontrata

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
BUMILI ang mag-asawang Cruz ng 198.75 square meters condominium unit sa Realty Company sa halagang P2,484,375.00. Nagbayad sila ng P878,366.35 bilang downpayment pagkatapos ay pumirma sa kontrata ng bilihan na may walong pahina, single space at may 12 sections kung saan nakasaad ang mga detalye at kundisyon nito. Nangako ang kanilang ahente na magkakaroon sila ng kopya matapos ang pagnotaryo nito at habang nilalakad ang perang uutangin sa banko bilang pambayad sa balanse ng presyo ng condominium unit.

Nang abisuhan sila ng Realty Co. na hindi naaprubahan ng banko ang utang, hiniling nito sa kanila ang buwanang bayad na P107,626.25 sa loob ng 15 buwan. Samantala, inalok ng mag-asawa ang kompanya na bilihin na lamang nito ang kanilang karapatan sa condominium unit sa halagang P1,258,957.03 payable in six months. Hindi pumayag ang kompanya dahil hindi raw ito makatwiran.

Gayunpaman, hiningi ng mag-asawa ang kanilang kopya ng kontrata para makita ang mga nakasaad dito. At habang naghihintay sila ng kopya, itinigil muna nila ang pagbabayad sa monthly amortization nito.

Lumipas ang tatlong buwan subalit wala pa rin silang kopya ng kontrata ng bilihan. Sa halip, hiniling ng kompanya ang bayad nila sa balanseng P1,614,814.80 dahil hindi sila nakakabayad ng monthly amortization. Nagbabala pa ito na kapag hindi sila makabayad sa loob ng limang araw, mawawalan ng bisa ang kontrata at awtomatikong mapupunta sa kompanya ang downpayment.

Kaya, nagsadya ang mag-asawa sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) upang magreklamo. Hiniling nila rito na mabigyan sila ng kopya ng kontrata ng bilihan at payagang i-remit ang balanse sa kompanya at pagkatapos ay ibigay ang titulo at ang pamumusesyon sa nabiling condominium unit. O kaya ay ibalik sa kanila ang downpayment kasama ang interes at bayad-pinsala bilang alternatibong remedyo. Sa kabilang banda, iginiit ng kompanya na hindi dapat maging basehan ang kawalan ng kopya upang itigil ng mag-asawa ang pagbabayad sa monthly amortizations. Dapat daw gampanan ng mag-asawa ang pinirmahang obligasyon sa kontrata. Tama ba ang Realty Co.?

MALI.
Ang hindi pagbigay ng kopya ng kontrata ng bilihan sa mag-asawa kahit na nakabayad na ang mga ito ng P878,366.35 bilang downpayment ay isang balidong dahilan upang itigil na lamang ang pagbabayad ng monthly amortizations. Hiniling ng mag-asawa ang kanilang kopya dahil gusto nilang sumunod sa mga kondisyong nakasaad dito. Hindi maaasahan ng kompanya na matatandaan pa ng mag-asawa ang detalye dahil ang kontrata ay may walong pahina, single space at may 12 sections.

Bilang partido na pumirma sa kontrata, malalaman lamang ng mag-asawa ang kanilang mga karapatan at magagampanan ang mga obligasyon kung magkakaroon sila ng kopya nito. Dapat sana ay ibinigay na sa kanila ang kopya bilang patunay ng bilihan noong magbigay sila ng P878,366.35 bilang downpayment (Gold Loop Properties, Inc. et. al. vs. Court of Appeals G.R. No. 122088 January 26, 2001).

ASAWA

BILANG

COURT OF APPEALS G

DAPAT

KONTRATA

KOPYA

MAG

REALTY CO

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with