^

PSN Opinyon

Gringo interviews delikado - sa kanya

SAPOL - Jarius Bondoc -
BUTI naman at inayos ni Presidente Gloria Arroyo ang away kay GMA-7 reporter Tina Panganiban-Perez na nag-interview sa nagtatagong Sen. Gringo Honasan. Ginagawa lang ni Perez ang trabaho niya, at ginagawa lang din ng intelligence agents ang trabaho nilang pagbuntot sa kanya para matunton ang pinaghihinalaang Kuya ng Magdalo kudeta.

Buti rin at binawi ni PNP Dir. Gen. Hermogenes Ebdane ang babala na idadawit sa kasong kudeta ang sinumang mag-interview kay Gringo. Labag ‘yon sa freedom of the press, lalo na’t wala pang habla sa senador.

Ganunpaman, naghasik ng pangamba sina Gng. Arroyo at Ebdane na tila nais ipitin ang pamamahayag. Naalala tuloy ng matatanda sa kanila ang martial law, nang pinagkukulong ang mga peryodista. Nag-asal Capt. Milo Maestrecampo sila, ang Magdalo coup plotter na nanutok ng nakakasang automatic rifle sa reporters sa Oakwood nu’ng July 27 at nanigaw: "Bahagi kayo ng problema, bahagi kayo ng buktot na lipunan."

Ibang-iba ang pamunuan nu’ng 1986-89, panahon ng kudeta laban kay Presidente Cory Aquino. Bahala ang reporters kung gusto nilang ma-interview si Gringo, na nagtago rin matapos ang palpak na power grab nu’ng August 1987. Pero kinakaibigan sila ng mga tumutugis sa ilalim ni Gen. Ramon Montaño. Tinatanong kung saan sila sinundo ng mga alalay ni Gringo, at kung inihiga sa sahig ng kotse, ano ang napansin sa skyline, gaano katagal ang biyahe, ilan ang naramdamang humps. Na-triangulate ni Montaño na nasa bandang Valle Verde-Pasig ang hideout ni Gringo, di kalayuan sa Camp Aguinaldo. Nagposte siya ng lookouts. Naispatan at binuntutan ang mga alalay. Ni-raid ang hideout at pinosasan si Gringo. Kinumpiska ang mga kagamitan, kasama ang x-rated magazines na Wife Beating at Child Sex. (Ay bastos.)

Tularan sana ng pamunuan ngayon ang masusing pagdedetektib ni Montaño noon, imbis na tinatakot ang media. Ika nga, pag may tiyaga, may nilaga. Ang bunga ay napipitas sa gawa, hindi sa salita. Hayaan lang magpa-press interview si Gringo. Delikado ito –sa kanya.

vuukle comment

CAMP AGUINALDO

CHILD SEX

GRINGO

GRINGO HONASAN

HERMOGENES EBDANE

MAGDALO

MILO MAESTRECAMPO

MONTA

PRESIDENTE CORY AQUINO

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with