^

PSN Opinyon

"Kaya mo na Mike A. ipagtanggol ang sarili"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Malaki Ka Na. May Apo Ka Na. Alam Mo Na Ang Iyong Ginagawa. Ikaw Ang Lalake. Kaya Mo Na Yan, Mike Arroyo. Kaya Mo Ng Ipagtanggol Ang Iyong Sarili!

Tama ang sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio "Toting" Bunye, na ayon sa Presidente, na asawa mo, Mike, "Bahala ka na raw sa sarili mo at hindi ka na kailangan pang paki-alamanan. Ipagtatanggol mo na lang daw ang iyong sarili! Maganda yan, hindi ba mga kaibigan? Magandang tingnan natin ang mga susunod na pangyayari. Sa kultura nating mga Pinoy, umangal man ang iba d’yan, ang lalake pa rin ang Padre de Familia. (Kaya nga "padre" at hindi "mother.") Pero paano yan? Si PGMA ang pinuno ng ating bayan?

Hindi problema yan, sa kanilang pamilya si Mike A. pa rin ang namamayagpag! Totoo ba ito? Di ba dapat, "God first, then Country at pangatlo lamang ang family?" Paano na rin ang mga slogan na "Bayan muna bago sarili?" Malinaw ang pahayag ng palasyo. Hindi sila sasali sa gulong Arroyo at Senator Ping Lacson. Mike Arroyo is an intelligent man. Tanungin mo siya kung totoo. "He can defend himself and defend himself he MUST!" Dadating din yung araw na haharap siya sa Senado para sa isang Senate Inquiry at makikita n’yo ang galing nitong si Mike Arroyo na ito.

Hindi kaya hilaw ang expose’ ni Sen. Ping? Bakit ko nasabi ito? Nakapagtataka. The same issue was brought before Senator Aquilino "Nene" Pimentel at tinanggihan ito ni Sen. Pimentel dahil humingi pa siya ng mga corroborating witnesses. Tatayo ba ang mga akusasyon mo, Sen. Ping at meron ka bang sapat na ebidensya at testigo? Bagamat bagong politician si Sen. Ping, batak na batak ito sa mga "skirmishes" ng buhay. Personally, I know the intelligence of Sen. Ping. Hindi ito basta papasok na lamang sa digmaan na kulang ang bala at pupugak-pugak ang gamit. Pero paano ito, Sen. Ping? Mabilis na itinanggi ng Bank of the Philippine Islands at Union Bank na merong milyun-milyong account itong Jose Pidal na ito? Na magmula pa nung three years ago, wala na raw laman itong bangkong ito. Di ba sinabi mo na ang information mo ay hanggang July of 2003? Nandun pa yung pera ni "Incredible Hulk." Paano na ngayon `yan, Sen. Ping? Paano mo ba ika-counter yan? Madali mong dinismiss yung finding ng PNP handwriting expert na pineke yung pirma nung Jose Pidal para maging kamukha ng pirma ni Mike Arroyo. PNP yan. Siyempre, "beholden" yan sa kanilang Commander-in-Chief. Ganun din sa kanyang kabiyak at miembro ng first family. Sige, tanggap namin yan. Subalit paano kung ikaw ay matagumpay na makalkal ang mga records nung bangko at madisover mo na tatlong taon na ang nakararaan at wala ng laman sa account ni Jose Pidal sa Union at BPI Banks. Hindi kaya lalabas na kahiya-hiya ka. Nakuryente ka kaya Sen. Ping? Hindi ba lalabas na ang iyong expose’ ay ginawa lamang para matigil ang pagdidikdik ng mga miembro ng oposisyon na ikinakabit sa malalaking balita ng KUDETA? Aba, eh, natakpan nga ang isyu ng Kudeta at napalitan ang mga laman ng pahayagan mula nang ibandera mo ang iyong balita tungkol kay First Gentleman Mike Arroyo. Meron ding nagsasabi na kaya mo ginagawa ito ay dahil lalabas na ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa Kuratong Baleleng Case at ito raw ay ibinabalik sa Regional Trial Court (RTC) para litisin at malamang daw na ikaw ay labasan ng warrant at pagkatapos ay arestuhin. Gagaya ba si Sen. Ping kay Sen. Gringo at magtatago? Susundan ba niya ang kanyang dalawang karancho na sina Michael Ray Aquino at Cesar Mancao? Kung gagawin niya yun, matagal na siyang tumakbo. Subalit narito pa si Sen. Ping, nakatayo at nakikipag-bakbakan. Pinasok pa nga ang politika na sinabi niyang "dirty" at nakisalamuha sa putikan suot ang kanyang Gala uniform. Sige, Sen. Ping, aantayin namin ang mga susunod mong hakbang. But we won’t hold our breath for we might run of it and turn blue.

Balikan natin si PGMA. Hindi ka makikialam sa isyung hinaharap ni First Gentleman Mike Arroyo dahil kaya na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Hindi ba’t sasabit ka rin, PGMA kung sakaling mapatunayan nga na merong mga ilang milyong pera si Mike A. sa iba’t ibang bangko sa ilalim ng "conjugal partnership" n’yo bilang mag-asawa? Andyan ang kaso ni Mrs. Imelda Marcos. Matagal ng patay si dating Pangulong Ferdinand Marcos hinahabol pa rin sila ng korte. Kung sasabit si Mike A. tiyak na madadamay ka! Binibitiwan na si Mike A., hindi kaya dahil ang bigat dalhin sa FLIGHT 2004 na maaring makabagsak ito ng lipad ng eroplano sa himpapawid na hanggang 2010 ito nakadestino?

Ang gulo hindi po ba mga mambabasa ng CALVENTO FILES?

Ano ba ang totoo? Ang alam kong totoo ay P20.40 na ang presyo ng bawat litro ng gasoline. Ang alam ko meron na namang nakaambang pagtaas nito. Dala nito ay mabigat na pasanin ng ating taong bayan. Utang na loob. MERON BA D’YANG TUTULONG SA ATIN NA MAI-AHON SA PAGKASADLAK SA KAHIRAPAN ANG ATING MGA MAMAMAYAN?

MERON BA? YUNG HONEST AT TOTOONG KAPAKANAN NG TAO ANG NASA ISIP! Anong opinion n’yo mga kaibigan? I-text n’yo sa 09179904918. Maaari rin kayong tumawag sa CALVENTO FILES 7788442.

Ah, siya nga pala, habang nangyayari itong kaguluhang ito, bumalik na pala si Bishop Teodoro Bacani sa bansa. Bless me father for I….Tsaka na lang!

vuukle comment

MIKE

MIKE A

MIKE ARROYO

PING

SEN

YAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with