Señor JOSE Pidal, sa dami ho ng pera ninyo, nakaka-afford pa kayo ng financial consultant sa Morgan Stanley at tiyak dolyar ang binabayad niyo, lakihan niyo naman ang kontribusyon niyo sa Kardinal SIN. Nakita niyo naman nakakabingi ang katahimikan.
Tulungan niyo rin ang mga nangangailangan na nagtutungo sa LTA Bldg. sa Perea st. Makati. Para mabawasan ang problema ni Unang Ginoo JOSE Miguel Arroyo at bumango siya sa publiko.
Mr. JOSE Pidal, huwag niyo siyang pabayaan. Ayaw ho naming isipin na wala kayong utang na loob at di kayo marunong makisama. Iisa ang address ninyo, malamang nga nakigamit pa kayo ng opisina kay First Gentleman, pareho kayong Morgan Stanley ang financial adviser, pareho pa kayong sa Union Bank nag dedeposito. Tukayo pa kayo, pareho kayong JOSE, dapat nga barkadahin niyo rin si JOSE Velarde.
Sabi nga ng isang text message na natanggap ko at gusto kong tanong sa inyo: Lahat raw kayo galing sa Ateneo. Ang Unang Ginoo JOSE Miguel Arroyo, dating Pangulong JOSEph Estrada, JOSE Velarde at ngayon ang sumisikat na si JOSE Pidal, lahat Atenista. Galing galing niyo naman, lahat kayo galing duon sa school ng idol ko na si WOW Philippines Dick Gordon.
Nakakatuwa nga, kasi apat kayong JOSE pero dalawa sa inyo masyadong mahiyain, ayaw lumantad. Low profile masyado si JOSE Velarde at kayo Ginoong JOSE Pidal.
Huwag na huwag rin ho kayong lilipad ng Hong Kong na may dala kayong mahiwagang bag, iwan niyo na lang rito at pamahagi natin sa lahat ng gustong humingi ng tulong kay Ginoong JOSE Miguel Arroyo. Tiyak kasi ngayon lalong dadami ang pipila sa upisina ng katokayo mo.
Dagdag pa hong payo kung puwede Ginoong JOSE Pidal, maaari ho ba invite nyo rin ang media sa office niyo, kasi si Unang Ginoo JOSE Miguel Arroyo ginawa na yun, pinasyal niya po ang media sa 8th floor LTA Bldg. Kayo ho ba saang floor kayo roon, sana nga magkatabi kayo ng office at di lang parehong gusali, para lalo kayong maging close, sama niyo naman ako.
Curious kasi ako kung ano meron dyan, sabi ni Sen. Ping Lacson magandang Feng Shui dahil maraming mayayaman at malaking bank account diyan, sabi naman ng super beauty na si Rep. Imee Marcos ay dapat ma-exorcise, yun bang paalisin ang mga masamang spirit. Dami talagang MAHIWAGA diyan, MAHIWAGANG BAG, MAHIWAGA ang mala higanteng vault, promise ha sama niyo ako. MAHIWAGANG account.
Mabuti pa kaya pa open house nyo na lang isang araw, tiyak daming papasyal pati turista, sasaya pa si Dick Gordon, may bagong tourist spot, lagyan pa natin LIGHT AND SOUND MUSEUM sa loob nito. O di ba WOW PHILIPPINES na MORE THAN THE USUAL PA.
2too yan expose ni Sen. Lacson at halos lahat ng pilipino ay naninwala. 09195541458; alam nyo totoo yan c mike arroyo at jose padyak iisa. 09165751431; pki check nga po sbi ng meralco wala n ang PPA wala n nga pro kng ano2 charges nman pnalit nla itemized n PPA lng yun. 09174357628; syempre nlinis muna ni incredible hulk ang opisna salta bago pakita sa media. Sayang tong si patricia bunye roxas. 09208035883;
Dapat unahin muna n gma ung kanyang asawa s graft and corruption para pnwalaan cya ng tao. 09202231547; Sen. Lacson nman bkit mo p cnita ang FG, hes doing it 4 d future of lilttle MICAELA, rmember? 09197856942; sinungaling kayo mike, karma na ang dumarating sa inyo, hntayin n lang nyo ang oras kung wala na kayo dyan. 09207597611; karma na ni arroyo ang nangyayari ngaun. Problema, ang mga maliliit ang laging kawawa, mag resign na sya. 09178988232.
Naniniwala po ako na si FG Arroyo ang Jose Pidal at ngayon po sana ay gumising na ang ating mga kababayan sa ginagawa ni GMA. Pati po pondo namin sa OWWA ninakaw na rin. vic6march@yahoo.com; Kung hindi totoo iyong ibinulgar ni Sen. Lacson bakit hindi kumikilos si Madam Edsa President. Para sa akin dahil sa Edsa naging President kaya dapat Edsa President, dahil hindi naman halal ng Masa. Baon na tayo sa utang, luklukan na tayo ng kahirapan, sana iisipin ni Edsa President na talagang hindi niya kaya. raffy@saudioger.com
Malakas ang loob ni m Arroyo na ihain sa kurte ang kaso nya kc hawak nila ang buong hukuman. 09223109984; tama yan lacson, akala cguro ni gma lusot n cla sa mga corruption ng gobyerno nya. 09189291238; hay naku puro pagtataray ang gnagawa ni gma ngayon taong bayan nman ang magtataray sa yo sa pgtatago ng asawa mo ng nakaw na pera ni jose pidal este mike arroyo. 09176285352.
Dapat pag kurap patayin. Dnt put them in jail, walang mangyayari dyan. NPA saan kayo. +13109516845; style ni lacson at fg arroyo mga ebidensya niyo pang media lng d pang korte. Mga style nyo bulok. 09162822567