Apektado ang bansa sa kaguluhan ng mga pulitiko
August 23, 2003 | 12:00am
BUGBOG na ang bansang Pilipinas. Walang makapagsabi kung kailan makaaahon sa putikang kinalulubluban. Malaking kahibangan ang nangyayari sa bansa na ang mga pulitiko ang nagpapasimuno ng kaguluhan. Sila na pinagtiwalaan ng mga mamamayan upang magsilbi ng tapat. Para sa ikauunlad ng bansa.
Bagsak ang ekonomiya at naghihirap ang bansa dahil sa pamamayagpag ng mga tiwaling opisyal. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa listahan ng mga corrupt na bansa sa buong mundo. Salamat sa mga taga-BIR, Customs, DPWH at iba pang ahensiya ng ating gobyerno.
Nag-aklas ang mga sundalo noong July 27. Hinaing nila ang katiwaliang nagaganap sa AFP na sangkot ang mga matataas na pinuno. Nakakadagdag sa kaguluhan ang alegasyon ni Sen. Ping Lacson kay First Gentleman Mike Arroyo sa money laundering at illegal activities. Walang nakaaalam kung totoo ang mga ibinulgar ni Lacson na nahaharap din sa maraming kaso. Si Lacson ay kakandidato sa pagka-pangulo sa 2004. Inaasahan na hindi kaagad matatapos ang kontrobersiya sapagkat patuloy ang pagbabatuhan ng putik. Sa pagbabatuhan ang bansa ang nahihirapan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am
January 20, 2025 - 12:00am
January 18, 2025 - 12:00am