^

PSN Opinyon

60 bgy officials ibiniyahe ng congressman sa HK,may pocket money pa !

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang tuwang-tuwa ngayon ang mga 60 barangay officials matapos ibiyahe ng kanilang kongresista sa Hong Kong.

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Prof. Domingo Landicho, Manuel Baldemor, Ed Mapa, Kirk Ramos ng Shell, Jovie Almazan, Marie Hugo ng GMA-7; Konsehal Thelma Dumpit, Ruby Penaflor-Carillo, Bong Tiu at Jimmy Lopez Shekker.
* * *
*  *  * Alam n’yo bang tuwang-tuwa ngayon ang mga barangay officials sa isang distrito sa Metro Manila dahil ibiniyahe sila ng kanyang congressman sa Hong Kong?

Ayon sa aking bubuwit, upang matiyak na makukuha ni Congressman ang suporta ng kanyang mga barangay officials ay isinama niya ang mga ito sa kanyang junket. Dahil marami pa sa kanila ang hindi pa nakakarating ng Hong Kong, tuwang-tuwa siyempre ang mga damuho.

Ang mga barangay officials ay umalis sa bansa noong Martes, August 19. Sila ay umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-otso ng umaga. Sumakay sa Philippine Airlines. Nakatakdang bumalik sa Manila sa Sabado, August 23, 2003 ng alas-onse ng gabi. <
* * *
*  *  * Ayon sa aking bubuwit, malakas pala ang makakalaban ni Congressman sa kanilang distrito sa susunod na eleksiyon kaya nililigawan ngayon ang suporta ng mga opisyal ng barangay.

Bukod sa free trip na ibinigay ni Congressman sa mga opisyal, nagbigay din ito ng pocket money na $300 bawat isa.

Malaki-laki na rin ’yan kung imu-multiply ng P55.00 per dollar. Aabot din ’yan ng P16,500 bawat isa.

Hanep, sahod ko na ’yan ng tatlong buwan.

Ayon sa aking bubuwit, kung natutuwa ang mga barangay officials sa kanilang junket ni Congressman, tayo namang mga mamamayan na tapat na nagbabayad ng buwis ay naisahan na naman.

Sapagkat ang perang ginagastos nila ngayon sa Hong Kong ay salapi ni Juan dela Cruz.

Ang perang ginagamit ngayon ni Congressman ay mula sa kanyang countrywide development fund o CDF, pork barrel.

Mga hinayupak kayo!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na nagdala sa mga barangay officials sa Hong Kong upang siya ay suportahan sa darating na eleksiyon ay walang iba kundi si…

Siya ay matagal ding kumandidato sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila bago tuluyang nanalo.

Kung anu-anong posisyon ang tinakbuhan nito noon sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan.

Gumamit din siya ng iba’t ibang pangalan.

Pero dahil naman sa kanyang fighting spirit.

Ang motto niya ay ‘‘Ang umaayaw ay hindi nagwawagi.’’

Sa sampung beses niyang pagkandidato ay nanalo rin sa wakas. Siya ay walang iba kundi si Congressman Ha. ng Manila.

AYON

BARANGAY

BONG TIU

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN HA

DOMINGO LANDICHO

HONG KONG

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with