Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangalay Maria. Siyay nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. "Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kayat sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siyay tatawagin mong Jesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan."
"Paanong mangyayari ito, gayong akoy dalaga? tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kayat banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos."
Sumagot si Maria, "Akoy alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi."
Sa pagsilang ni Maria sa Anak ng Diyos, ginawa niyang posible na maging Hari si Jesus ng buong sanlibutan sa lahat ng pagkakataon at lahat ng panahon. Kung kayat siya ang Reyna ng langit at lupa.
Batiin si Maria nang may galak ngayon. Magalak sa kanyang pagka-Reyna!