^

PSN Opinyon

Ang pagka-reyna ni Maria

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG ikalimang misteryo ng mga Misteryo ng Tuwa (ng santo rosaryo) ay ang pagpuputong ng korona kay Maria bilang Reyna ng langit at lupa. Upang isalarawan ang kaluwalhatian at pangungunang ito ni Maria, tayo ay binigyan ng salaysay ni Lukas hinggil sa pagbati kay Maria ng isang anghel (Lk. 1:26-38). Ang pagtanggap ni Maria sa pagiging Ina ng Mesias ay ang batayan ng kanyang pagiging Reyna ng langit at lupa.

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. "Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Jesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan."

"Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?‚ tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos."

Sumagot si Maria, "Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi."


Sa pagsilang ni Maria sa Anak ng Diyos, ginawa niyang posible na maging Hari si Jesus ng buong sanlibutan sa lahat ng pagkakataon at lahat ng panahon. Kung kaya’t siya ang Reyna ng langit at lupa.

Batiin si Maria nang may galak ngayon. Magalak sa kanyang pagka-Reyna!

ANAK

DIYOS

ESPIRITU SANTO

HARING DAVID

IKAW

KATAAS

KAYA

MARIA

REYNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with