^

PSN Opinyon

Filipino ay paghusayan,Ingles pagbutihin din naman

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYONG Agosto ay buwan ng Wikang Pambansa – ang Filipino. si Pangulong Manuel Luis Quezon ang tinaguriang ‘‘Ama ng Wikang Pambansa.’’ Masidhing ipinaglaban ni Quezon ang paggamit ng Filipino.

Batid ng lahat na ang English ay universal language at ang Filipino ang second language ng mga Pilipino. Noong araw sa mga pampubliko at maging pribadong paaralan ng English ang siyang medium of instruction. Sa ngayon ay Filipino na ang gamit sa pagtuturo sa mga estudyante sa public schools. Isa ito sa nakikita kong dahilan kaya kakaunti sa mga mag-aaral sa public schools ang nahihirapang magpahayag sa English. Napatunayan na malaking porsiyento sa mga gurong kumuha ng examination sa English noong Mayo ang pasang-awa lamang. Katotohanan na sa bilang ng mga guro ay hindi marami ang malayang nakapagpapaliwanag sa English kaya napagpasyahan ng pamunuan ng DEP-Ed na magsagawa ng mga seminars in English para sa mga guro, lalo na sa mga English teachers na dapat maging magaling mag-English.

Sa pangyayaring ito dapat na maging balanse ang pag-aaral ng Wikang Filipino, at English. Sa panahong ito na halos karamihan ay gustong magtrabaho sa ibang bansa, malaking puntos kapag mahusay mag-English. Maging domestic helpers ay nakalalamang ang marunong mag-English. Ang mga OFW na mahusay mag-communicate sa English ay mas kinagigiliwan sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

AGOSTO

BATID

ENGLISH

GITNANG SILANGAN

ISA

KATOTOHANAN

PANGULONG MANUEL LUIS QUEZON

WIKANG FILIPINO

WIKANG PAMBANSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with