^

PSN Opinyon

Sa Korte magtilian

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
KUNG totoo ang mga akusasyon ni Senator Ping Lacson sa kanyang privilege speech laban sa amin sa Korte na lang niya dalhin ito.

Hindi raw totoo ang mga pinagsasabi ni Ping, walang basehan at hindi makatarungan.

Ika nga, paninirang-puri lang daw!

Nag-react si MIAA General Manager Ed Manda matapos magdadakdak si Ping sa kanyang privilege speech, isinabit lang daw ang pangalan niya dahil malapit siya sa First Family.

Hindi naman itinanggi ni Ed ang pagiging magkaibigan nila ni First Gentleman Mike Arroyo at ng pamilya nito.

Ibinulgar kasi ni Ping na siya raw ang chief incorporator ng Arroyo-controlled Lualhati Foundation at isa raw sa mga signatory ng bank account ng Lualhati sa Union Bank Perea branch?

Maraming taong isinabit si Ping sa kanyang pagbubulgar sa Senado.

Politically-motivated kaya ito?

Natutuwa ang Noypi sa mga batuhan ng utot este mali, baho pala sa pagitan ni Ping at ng mga kaalyado ni Prez Gloria.

Balewala naman sa Palasyo ang mga talking ni Ping.

"Ilang buwan na lang kasi eleksyon na kaya siguro nagbabatuhan na sila ng tinapay este mali baho pala," anang kuwagong urot.

"Ganoon ba?" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kapag ganito nang ganito ang nangyayari kawawa naman ang Noypi," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Bakit sa palagay mo ba magbabago pa ba ang takbo ng gobyerno kung sila ang uupo?"

"Iyan ang abangan natin, kamote."

FIRST FAMILY

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GENERAL MANAGER ED MANDA

LUALHATI FOUNDATION

NOYPI

PING

PREZ GLORIA

SENATOR PING LACSON

UNION BANK PEREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with