^

PSN Opinyon

Kastiguhin ang mga pulitiko

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NAGPAKAWALA na ng bomba si Sen. Ping Lacson at ang pinuntirya ay si First Gentleman Jose Miguel Arroyo. Sa kanyang privilege speech, ibinulgar ni Lacson na nangurakot ang First Gentleman ng milyong salapi at idineposito sa account ng isang nagngangalang "Jose Pidal" sa Union Bank branch sa Perea St., Legaspi Village, Makati City malapit sa LTA Bldg.

Hiniling ni Lacson na imbestigahan ng Senate blue-ribbon committee at Senate committee on constitutional amendments, revision of laws and codes at finance at ways and means committee ang ginawang pagbubunyag.

Sa pamamagitan ng spokesperson na si Atty. Patricia Bunye, hinamon ng First Gentleman na mas magaling kung ididemanda siya ng senador sa anumang Korte at handa siyang harapin ang mga paratang nito sa likod ng immunity. Idinugtong pa ni Bunye na ginawa ni Lacson ang pagbubunyag bilang taktika nito upang hindi mailabas at matalakay sa Senado ang mga committee reports laban sa senador hinggil sa drug-trafficking, money laundering at iba pang kinasasangkutan nito.

Narito na ang aking kinatatakutan. Hindi dapat pulitika at paghihidwaan ang atupagin natin. Kailangan natin ng pagkakaisa at pagkakaunawaan upang harapin ang napakaraming problema ng bayan. Ang mabuti yata ay magalit na tayong mga mamamayan sa mga pulitikong ito na binabale-wala ang kapakanan natin at pinananaig ay ang kanilang personal na interes. Sa mapayapang paraan, magkaisa tayong kastiguhin ang mga ito sa tulong ng media.

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

JOSE PIDAL

LACSON

LEGASPI VILLAGE

MAKATI CITY

PATRICIA BUNYE

PEREA ST.

PING LACSON

UNION BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with