Double standard ?

LUBOS tayong nagtataka kung bakit ang mga miyembro ng simbahan sa pamumuno ni CARDINAL SIN at ang Civil Society ay sobrang nananahimik ukol sa secret bank account ni JOSE PIDAL.

Noong panahon ng pinatalsik at ngayon ay nakakulong na dating Pangulong Joseph Erap Estrada ay sobra ang pag-iingay na ginawa nila, kasama na riyan ang pag-oorganisa nila ng iba’t ibang klaseng mass actions.

Nababahala tayo sa kanilang katahimikan dahil masamang isipin ng sambayanan na DOUBLE STANDARD sila at umalma lang sila noon dahil hindi nila kandidato si Erap.  Alam nating lahat na nahalal si Erap bilang Pangulo dahil sa suporta ng Masang Pilipino.

Ayaw nating isipin na ang mga moralistang nakaaangat sa ating lipunan ay namimili  ng taong gusto nilang pa-imbestigahan, gayong ang pinag-uusapang isyu ay pareho.

Kay Erap si Jose Velarde, kay First Gentleman Jose Miguel Arroyo si Jose Pidal. Parehong may Jose, parehong milyones ang di maipaliwanag na yaman, parehong nakatira sa Malacañang, parehong pinaka-makapangyarihan sa bansa sa kani-kanilang panahon.

Sa mga pinuno at miyembro ng Civil Society, kay Cardinal SIN at Simbahang Katoliko kasama ang CBCP, ang  mga dating maiingay na cause oriented and non-government organizations (NGO) nanonood po ang sambayanan.

Pinanonood kung ano ang gagawin n’yo, lubos na umaasa pa rin na natulala lang kayo dahil di n’yo akalaing ang  niluklok n’yo sa puwesto  ay ganoon ang gagawin.  Talagang nakakagulat dahil walang kadala-dala ang mga taong ito pero dapat na kayong matauhan.

Patunayan n’yo na mali ang kanilang hinalang pagkakampi at kauri ninyo ay maaaring gawin ang gusto at hindi kayo kikibo dahil nakikinabang kayo.

Ngayon n’yo ipakita na maaasahan kayo, na lalabanan n’yo ang pangungurakot, na wala kayong sinisino at higit sa lahat MAHAL N’YO ANG BANSANG PILIPINAS.

Huwag n’yong hintaying lubos na maubos ang maikli ng pasensya ng nagugutom, naghihirap at nagiging desperadong masang Pilipino.  Huwag n’yong hintayin na umalma ang MASA, punumpuno na sila. 
* * *
Isang radio reporter ang napaslang sa Laguna, kinagalitan ni Madam Señora Donya Gloria si Tina Panganiban Perez, si Daily Tribune Publisher Ninez Cacho Olivarez, pinakukulong ng abogado ng Malacañang na si Atty. Pancho Villaraza, ang mga mamamahayag ay pinasusundan ni PNP Chief Hermogenes Ebdane, ang privelege speech tungkol sa milyun- milyong bank account ng Unang Ginoo na censor at na jam, ang magkamali ng pagre-report maaari raw kasuhan ng rebelyon at marami pang ibang panunupil sa media.

Iba’t ibang paraan ng pananakot at panunupil sa media pero Madam President (o yan baka kasi kasuhan ako ng rebelyon) hindi na ho uubra yan. Titiyakin ko po sa inyo na hindi kayo puwedeng maging Reyna at si Sir Señor Don Mike Jose Pidal Arroyo ay di magiging Hari.

Hindi na uubra yan, sa bawat isang mapatahimik n’yo sa anumang paraan sampu ang mag-iingay at lalaban.
* * *
Joker arroyo kala ko ba ubusin ang kurap, ano pa hinihintay mo kalusin mo si mike arroyo! – 09206069408; Nkktakot ang govt ni pgma napaligiran cya ng linta at ganid sa power sna 2lad i2 ng column mo PANAGINIP LANG kaso 220 eh BANGUNGOT PA YTA. –09183399930; Kapani-paniwala ang bomba pnsabog n sen. Lacson laban ke fg arroyo, kun ano an binanat nla ke erap ay sla pala ang gagawa kaya sen. Ping 2loy m yan. – 09176698436;

Lantad na at sumisingaw ang baho ng admnnstrasyon n gma. Bat d k pa bumaba sa pwesto? Gigil na ang masa sau. – 09168395378; Naggng dktdor na c gma! Trbhho lng ung gngawa ni Perez as reporter. Ang yabang pa nyang uumsta. Mahiya sya dhil d nman sya ibino2 as Pres. – 09167217995;

Ang dapat cguro gawin parusahan cla kng i2 ay 220 at dapat cguro palitan n ntin ang pangulo. Mag eleksyon para lahat ng alipores n arroyo palitan na hbang dpa huli ang lahat. Kawawa nman taong byan lubog na tau sa utang kc kung cno pa pinuno  sya p una nagwawaldas ng pera ng bayan. – 09198206072;

D absence of pipols mandate n d arroyo govt made it so corrupt and anomalos. – 09168500219; Walang matinong opisyal ang Pinas,  mula pres pababa puro kurakot. Taongbayan kawawa. – +85296034025.

Yan ho ang ilan sa mga text messages na natanggap natin.  Para sa hindi napagbigyan, pasensiya muna at pipilitin nating pagbigyan sa susunod.  Siyanga pala ang  tanong na importante, naniniwala ba kayo na si FG Mike Arroyo ay si Jose Pidal?
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua@yahoo.com o kaya’y mag-text sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments