Utak sa Ninoy murder 'Impossible Dream' na?

DALAWANG dekada na ngunit wala pa ring sagot kung sino ang pumatay at nagpapatay kay dating Sen. Benigno ‘‘Ninoy’’ Aquino Jr.

Bukas ay gugunitain ang 20th anniversary ng kamatayan ni Ninoy. Ang assassination niya noong Aug. 21, 1983 mitsa sa pagsiklab ng People Power One na nagwakas sa diktadoryang rehimen ni Marcos.

Bayani si Ninoy. Martir siya at gaya ng sinasabi ng kanyang paboritong awit na ‘‘Impossible Dream’’ na…’’ This is may quest to follow the star, no matter how hopeless, no matter how far… To be willing to die so that honor and justice may live…’’ na bagamat alam ni Ninoy na mahirap ibuwag ang rehimeng Marcos ay umasa siya at nanalig na magwawakas din ang kabuktutan dahil dito sa mundo ay walang permanente maliban sa pagbabago.

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) lilitaw din ang katotohanan kung sino ang utak ng assassination ni Ninoy. Masakit tanggapin na ilang administrasyon na ang nagdaan pero wala pa ring kalutasan ang kaso ni Ninoy. Ayon sa CBCP, dapat na malaman ng sambayanang Pilipino ang katotohanan. Sino ba talaga ang nagpapatay at pumatay kay Ninoy Aquino? Nawa’y masagot na ito at huwag sanang manatili na ang kasagutan ay maging ‘‘Impossible Dream.’’

Show comments