Gen. Mangila umaksyon vs Ric Water
August 19, 2003 | 12:00am
HINDI uubra ang kagaguhan ng grupo ni Ric Water, kahit na nagtutubig-tubig ang kanyang mga koneksyon sa Subic at Batangas Customs houses.
Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si TMG bossing Danny Mangila tungkol sa operasyon ng grupo ni Ric Water, ang economic saboteur sa mga nabanggit na lugar.
Halos hindi ito nagbabayad ng buwis sa gobyerno sa mga inilalabas niyang mga imported vehicles.
Pinaghahatian ng mga kutong customs ang pitsa.
Parang 9 for you, one for the government.
Sinabi ni Mangila, paglabas ng shipments ni Ric Water sisilatin sa Customs zone at nasa kalye na ito tiyak sisilatin namin siya. Kung may deperensiya kahit katiting may paglalagyan siya.
Hindi natin kukunsintihin ang mga kagaguhan ni Ric Water halos naghihikahos na nga ang gobyerno sa kakahanap ng pondo para matugunan ang mga priority project nila isang kamote lang ang tatarantado dito. Small-time pa!
Nangako si Mangila, na ipakukulong niya si Ric Water oras na majakpatan niya ang mga shipments nitong carnap.
Isasama natin ang mga kakutsaba nitong mga kurap diyan sa bureau pag nagkataon.
Si Ric Water, ay kanang kamay at panyero ng isang bigtime smuggler na sinasabing si Argumento.
Front lang nina Ric Water at panyero nito ang mga segunda manong mausok at basurang sasakyan galing Japan.
Ito iyong mga converted vehicles!
Ika nga, pang-Clean Air!
Pero ang totoong operasyon ay ang magpasok at maglabas ng mga brand new luxury cars.
Ang kasabwat ni Ric Water ay sinasabing si Paldo Belly umanoy taga-Warrant Section ng BOC sa Subic.
May isang Hardes, ng bureau ayaw pumirma ng clearance kung walang kasamang P25,000? anang kuwagong urot.
Bukas ay si Customs Commissioner Antonio Bernardo ang kakausapin ng mga kuwago ng ORA MISMO, para ipagbigay alam sa kanya ang nangyayari sa Port of Batangas at Subic, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Pati tuloy sina Batangas Customs Collector Ed dela Cuesta at Subic Customs Collector Arcilla ay ipinagmamalaki ng grupo ni Ric Water?
Kaya sa tingin ng madla ay kasama sila sa happy-happy?
Dapat patunayan nila at kalawitin ang operasyon ng Ric Water
Oh, baka sila ang makalawit ni Bernardo.
Kay Mangila tiyak may paglalagyan sila.
Abangan natin ito, kamote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended