^

PSN Opinyon

Kaso ng Securty Checker

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Si Rene ay security checker sa isang department store. Tapat at masipag si Rene sa kanyang trabaho. Subalit noong Setyembre 1991, nagpatawag ng isang miting ang Human Resources Division Manager para sa lahat ng empleyado ng security section, kabilang na si Rene. Dito ay ipinaalam ng Kompanya na epektibo Oktubre 11, 1991, hindi na kakailanganin ang kanilang serbisyo dahil papalit sa kanila ang isang security agency. Ibibigay na lamang sa kanila ang kabuuang sahod para sa buwan ng Oktubre kasama ang isang buwang suweldo kada taong kanilang serbisyo at ang naaayong 13th month pay.

Maliban kay Rene, masayang tinanggap ng 50 security checkers ang alok ng kompanya kasabay ang pagpirma nila sa affidavit of quitclaim. Sa araw ng pagbibigay ng kompanya ng ipinangakong halaga, hindi sumipot si Rene. Kaya noong Oktubre 11, 1991, sinulatan ng kompanya si Rene upang ulitin ang alok nito. Nakasaad din sa sulat ang pormal na pagtatanggal ng kanyang serbisyo sanhi ng paggamit ng cost-saving devices ng kompanya.

Hindi natinag si Rene sa sulat. Makalipas ang ilang buwan ay nagsampa na siya ng reklamo sa labor arbiter. Iginiit ni Rene na hindi legal ang naging hakbangin ng kompanya sa pagtanggal sa kanila. Hindi raw ito sumunod sa itinakda ng batas na 30-day written notice kapag ang isang kompanya ay magsasagawa ng retrenchment. Samakatuwid, ipinagkait nito na mapakinggan ang kanyang panig at maimbestigahan ng DOLE ang legalidad ng naging sanhi ng pagtatanggal sa kanila.

Depensa ng kompanya na mas mainam ang alok nitong bayaran na lamang si Rene ng kabuuang suweldo sa buwan ng Oktubre kaysa sa 30-day prior formal notice, kung saan magkakaroon pa ito ng panahon na makahanap ng panibagong trabaho. Tama ba ang kompanya?

Mali.
Ipinag-utos ng batas na kinakailangang abisuhan ang tatanggaling empleyado ng isang written notice. Hindi nito binibigyan ng option ang employer o ang isang kompanya na palitan ang kinakailangang 30-day prior formal notice ng pagbabayad ng 30 days salary.

Hindi mababayaran ng 30 day’s salary ang masamang epektong idudulot nito sa katauhan ng isang natanggal na empleyado. Layunin ng nasabing notice na mabigyan ng sapat na panahon ang empleyado upang makapaghanda bago pa man siya matanggal sa serbisyo. Samantala, binibigyan din nito ng pagkakataon ang DOLE upang alamin ang legalidad ng naging sanhi ng pagtanggal sa mga empleyado.

Kaya, makukuha ni Rene ang full backwages mula Oktubre 11, 1991 hanggang maging pinal ang desisyon sa legalidad sa sanhi ng pagtanggal sa kanya sa trabaho. (Serrano vs. NLRC et.al. 117040 May 4, 2000).

DEPENSA

DITO

HUMAN RESOURCES DIVISION MANAGER

ISANG

KAYA

KOMPANYA

OKTUBRE

RENE

SI RENE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with