^

PSN Opinyon

"Magtrabaho Na Tayo!"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
TIGILAN NA ANG ISYUNG KUDETA!

KAPANSIN-PANSIN NA HANGGANG NGAYON AY WALA PA RIN TIGIL ANG PAGTATALAKAY SA ISYUNG ITO, AT PINANGUNGUNAHAN PA NG ATING PAMAHALAAN. MERON DAW MGA PANIBAGONG DEVELOPMENTS, BAGONG DISKUBRENG EBIDENSIYA, BAGONG PERSONALIDAD NA SANGKOT, AT IBA PA. ABA’Y, KUNG TALAGANG MAY EBIDENSIYA, DAPAT ISAMPA NA SA KORTE AT HINDI SA MEDIA AT HAYAAN NA ANG KORTENG HUMUSGA! HUWAG YUNG TRIAL AND CONVICTION BY PUBLICITY.

LAHAT NA YATA NG MIEMBRO NG PAMILYA ESTRADA ANG SANGKOT DITO, AYON SA PAMAHALAAN. ANG HULING KABIT AY ANG PANGALAN NI JACKIE EJERCITO-LOPEZ. SINO NAMAN KAYA BUKAS?

Ilan sa ating mga Opisyales na humahawak ng mga sensitibong puwesto sa gobyerno ay may STIGMA pa rin ng Martial Law days bilang mga "STREET PARLIAMENTARIANS" na hanggang ngayon ang akala nila ay mga AKTIBISTA pa rin sila na lumalaban sa Pamahalaan, without realizing that they are already part of this government. At bilang mga responsableng Opisyales, sila ang dapat maging halimbawa at manguna sa pagbibigay-galang at pagkilala ng ating JUDICIAL SYSTEM AND PROCESSES. Marami dyan ang magaling magsalita tungkol sa due process subalit ang ginagawa ay taliwas sa kanilang sinasabi, NAUUNA ANG AKUSASYON SA MEDIA KAYSA PAGSAMPA NG KASO SA KORTE.

Hindi kaya ang patuloy na pagtalakay sa isyung KUDETA ay DIVERSIONARY TACTIC lamang upang, mawala sa ating atensiyon sa totoong kalagayan ng ating lipunan?

Hayan, nagsaad na naman ang mga kumpanya ng langis na magtataas ng presyo ng gasoline at petroleum products ng dalawang beses bago matapos ang buwan na ito.

Matagumpay na nawa sa sentro ng atensyon ng taumbayan ang pagtakas ng International Terrorist na si AL-GHOZI na halos hindi na pinag-uusapan sa Media? Tulad din ng kampanya laban sa Jueteng. Namamayagpag ang mga jueteng lords dahil wala sa kanila ang init. Si DILG Sec. Jose Lina ay patuloy sa kanyang pwesto at binalewala ang kanyang pangako na magbibitiw siya kapag hindi niya nahinto ang jueteng.

Ano naman ang nangyari sa kampanya laban sa illegal drugs? 1-Billion ang pondong inilaan ni PGMA lalo na ang kampanya laban sa illegal drugs na pinangunahan at binigyan pa ng P1Billion pondo ni PGMA. Agawan ng eksena ang ating mga PNP officials. Itong si Chief Inspector Nelson Yabut ang nauuna sa mga publicity (publicity lang ba, Nelson?) sa pagdakip ng mga drug users, pushers at illegal na droga.

Ang pagtaas at halos walang kalutasang mga insidente ng Bank Robberies, Kidnapping at Carnapping ay nagiging inside stories na lang sa mga dyaryo. At ang pinakabago ay ang patuloy na pagtaas ng Dollar Exchange Rate na apektado ang presyo ng produktong petrolyo, kawawa talaga ang ating mamamayan.

Ang kuwento at tanong tuloy sa akin ni Milo, isang kawani sa isang malaking Supermarket noong makalawa lamang, habang may binibili ako, "Mr. Calvento, sa amin sa Misamis ay talamak ang bentahan ng droga at pati ang sugal ay laganap, ngunit walang ginagawa ang aming Mayor at mga Pulis, bakit hindi iyon ang bigyan ng atensiyon at puna ng Media at ng DILG? Napangiti ako at tahimik na inisip na ilan pang katulad ni Milo ang nawawalan na ng tiwala at pag-asa sa ating pamahalaan at sa kanilang mga local officials na iniluklok subalit walang ginawa kundi magpayaman.

Kaya dapat na itigil na ang media hype sa isyung KUDETA. At kung meron mang developments o pagbabago tungkol dito, i-refer na lang sa Feliciano Fact-Finding Commission at kung may "prima facie evidence", isampa agad sa Korte.

Nabanggit ko na ang mga "priorities" na dapat asikasuhin ng gobiyerno. Itong si Al-Ghozi, kaya nitong pasabugin ang buong Makati. Isama mo pa ang Ayala-Alabang. Pati Malacañang kayang palubugin nito. Mantakin n’yong pinakawalan ito. Mga tarantado pala talaga kayo.

Kidnap for Ransom, Bank Robberies, Carnapping at ang dapat gawin sa mga Pulis na inefficient sa pagsugpo ng kriminalidad o natutulog sa trabaho.

Mukhang nakakalimutan na yata ang Principle of Command Responsibility, lalo na ang required efficiency at effectiveness ng Kapulisan upang maging matagumpay sa paglaban at pagsugpo ng kriminalidad. Hindi naman siguro pwede yung sasabihin na lang na ongoing pa ang imbestigasyon. Dapat siguro meron din silang progress report at timetable para ma-solve ang kaso, otherwise the case shall be assigned to another Police Officer. Ang pagka-solve o hindi ng kaso ay dapat maitala sa personal file ng Police Officer concerned. Magmula sa umpisa ng prosekusyon hanggang maibigay ang hatol ay dapat may pananagutan ang Pulis na may kinalaman, maging siya ay ang Imbestigador o Complainant. Dahil marami dyan, lalo na sa mga kaso na ang Complaining Witnessess ay Pulis, pag naisampa na sa korte ang kaso, ang pananaw ay considered solved na kahit na ma-dismiss pa ito sa iba’t ibang dahilan, gaya ng malabo o doubtful testimony o ang hindi pagsipot ng Pulis sa hearings sa hindi malaman o magkanong dahilan.

NAIS ko ring talakayin ang nagsusumigaw na headline kung saan ipinakita ni PGMA ang kanyang katarayan. Ngayon, isang miyembro ng media. Naging ugali na nitong ating Presidente na manghiya ng tao, lait-laitin at kumprontahin ng harapan. Gaya ng ginawa niya sa isang reporter ng GMA Channel 7 na si Tina Panganiban-Perez. Ano ba ang sinasabi ni PGMA na si Perez daw ay guilty of "abetting rebellion" nang ininterview ni Perez si Senator Gringo Honasan.

Tinakot pa nito si Perez nang utusan ang kanyang Chief ng Special Projects na si Marita Jimenez, na "I-check sa mga opisyales ng Channel 7 ang tungkol sa mga aksyon nitong si Tina Perez."

Abetting rebellion. Mrs. Presidente, the aim of every journalist is in the spirit of bringing the news to the people, every newspaper, radio station, television station also, is to get an EXCLUSIVE on a hot issue. She was just merely doing her job. Bakit niya sasang-ayunan ang rebelyon? Ang nakita nitong reporter na ito, siya ang bukod tangi na nakakuha ng interview kay Sen. Gringo Honasan. Nagsalita ba ito na "mga kababayan, tumulong po tayo sa layuning ipinaglalaban ni Gringo at ng mga young officers?" Or something to that effect to fuel the volatile situation? Check with GMA 7 kung alam nila ang mga aksyon ni Tina Perez. Aba, baka bigyan pa nga ng parangal itong si Tina Panganiban-Perez dahil na out-scoop niya ang lahat ng ibang media. Talagang pinag-aksayahan pa ng panahon ni PGMA itong reporter na ito na siya ay personal na pumunta sa GMA 7, ayon sa nakalahad sa pahayagan upang kausapin ang mga nakatataas na opisyal ng network. Hiningi ba ni PGMA ang ulo ni Ms Perez? Pinasisibak ba siya ni PGMA sa Channel 7? Sila lang ang naka-aalam.

Tahasan kong sasabihin sa inyo PGMA, this lady reporter saw an opportunity to cover a newsworthy interview. She did not think of aiding the state of rebellion. Ginagawa lang niya ang trabaho niya. Wala kang karapatan na paratangan siya ng ganyan! Arogante ka raw PGMA, sabi ni Lt. S.G. Trillanes. Totoo kaya ito, Tina Panganiban-Perez? Kayo mga kaibigan, ano ang opinion n’yo. Tama lang ba ang "presidential temper" na ipinamalas ni PGMA sa insidenteng ito?

PARA SA INYONG MGA REACTIONS O COMMENTS, MAAARI KAYONG TUMAWAG SA CALVENTO FILES TELEPHONE NO. 7788442, MAAARI RIN KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918.

ATING

BANK ROBBERIES

DAPAT

PEREZ

PGMA

TINA PANGANIBAN-PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with